Ina Raymundo 'mala-bampira' rin ang kagandahan; Andrea Torres may bagong aaminin sa 'TBATS' | Bandera

Ina Raymundo ‘mala-bampira’ rin ang kagandahan; Andrea Torres may bagong aaminin sa ‘TBATS’

Ervin Santiago |March 13,2022
facebook
share this

Ina Raymundo ‘mala-bampira’ rin ang kagandahan; Andrea Torres may bagong aaminin sa ‘TBATS’

Ervin Santiago - March 13, 2022 - 12:30 PM

Andrea Torres at Ina Raymundo

Andrea Torres at Ina Raymundo

SA EDAD na 46, nananatili pa ring mukhang fresh at batambata si Ina Raymundo na isa sa maituturing na hot mama sa mundo ng showbiz.

In fairness, kahit lima na ang anak ng aktres ay hindi pa rin nagbabago ang kanyang itsura at katawan — seksing-seksi pa rin siya at keri pa niyang makipagsabayan sa mga mas batang artista.

Sa katunayan, marami nga ang nagsasabi na mukha lang siyang kapatid ng lima niyang anak. Nag-joke pa si Ina na dahil sa sobrang tangkad ng anak na si Jakob ay napagkakamalan ng iba na kuya niya ang binata.

Pero ano nga ba ang sikreto ng aktres sa mala-bampira (read: hindi tumatanda) niyang kagandahan? Sey ni Ina, baka raw nasa dugo at lahi nila ito.

“‘Yung dad ko is 74 but he looks really good, he’s looks young for his age. Kumbaga may asim pa at 74. Yung mommy ko rin naman 68 na, she’s still very beautiful. So siguro in a way, namana ko ‘yun,” simulang pahayag ng aktres.

Aniya pa, talagang matagal na niyang sinusunod ang pagkakaroon ng healthy lifestyle, kabilang na riyan ang regular na pagwo-workout at ang pagiging masayahin at positibo sa buhay.

At ito naman daw ang isa sa kanyang beauty regimen, “First, I always remove my makeup. After that, I put a serum first, and then a moisturizer, and then eye cream. Basta, I always moisturize. Once a week, I also exfoliate.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)


* * *

Isa na namang pasabog at pampa-good vibes na episode ang hatid ng favorite n’yong late night habit every Sunday, ang “The Boobay and Tekla Show”, kung saan muling makikisaya ang sexy Kapuso actress na si Andrea Torres.

Ngayong gabi, sa fresh segment na “How Well Do You Know… ANDREA TORRES?” ibabahagi ng aktres ang ilang revealing information tungkol sa kanyang sarili.

Para mas maging exciting, magkakaroon ng intense na kumpetisyon sa pagitan ng dalawang grupo ng The Mema Squad. Ito ay ang The Boys, na binubuo nina John Vic de Guzman at Buboy Villar, at ang The Girls na sina Jennie Gabriel, Pepita Curtis at Ian Red.

Ang team na makakakuha ng tamang hula sa mga sagot ni Andrea sa multiple-choice questions ang magwawagi!

Samantala, dalawang teams naman ang maghaharap sa bagong musical segment na “The Guess-Sing Game,” kung saan huhulaan nila ang tamang title ng iba’t ibang kanta na aawitin nang live ni Jennie.

Mahihigitan kaya ng Team Ganda na sina Boobay, Tekla at Andrea sa pagkanta ang Team Mema na binubuo nina John Vic, Buboy, Ian at Pepita?

Bukod dito, magiging biktima rin si Andrea ng isang prank sa special edition ng “Ang Harsh” dahil mapapaniwala ang aktres na siya’y nagbabasa ng mean tweets pero ang totoo ay gawa-gawa lamang iyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang fresh episode ng “The Boobay and Tekla Show” ngayong Linggo sa GMA pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Ina Raymundo, asawa, 5 anak tinamaan din ng COVID: Please keep calm, God is still in control

Ina Raymundo naging ‘instant nurse’ nang magka-COVID-19 ang pamilya, nag-share ng first-aid tips

Ina Raymundo may poser sa FB: This impostor is selling items under my freaking name!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending