Ruffa may kwelang bati kay Julia: You'll always be my 8-year-old baby in ‘Kokey’ | Bandera

Ruffa may kwelang bati kay Julia: You’ll always be my 8-year-old baby in ‘Kokey’

Therese Arceo |March 11,2022
facebook
share this

Ruffa may kwelang bati kay Julia: You’ll always be my 8-year-old baby in ‘Kokey’

Therese Arceo - March 11, 2022 - 08:58 PM

Ruffa may kwelang bati kay Julia: You'll always be my 8-year-old baby in ‘Kokey’
MAY nakakaaliw na pagbati ang actress na si Ruffa Gutierrez kay Julia Barretto na nag-celebrate ng kanyang kaarawan kahapon, March 10.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan nilang magkasama na kuha sa naganap na birthday party ng dalaga.

“Happy 25th birthday gorgeous Julia. In my eyes, you will always be my 8-year-old baby in Kokey,” saad ni Ruffa.

Dagdag pa niya, “Stay beautiful both inside and out. Love you Juju!”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

 

Nag-comment naman sa post ni Ruffa ang kanyang kaibigan at ina ni Julia na si Marjorie Barretto ng heart emojis.

Happy naman si Ruffa at nag-thank you sa kaibigan dahil nag-enjoy daw ito sa party.

“Had so much fun last night, the food was so good!” sey ng aktres.

Siyempre, nag-comment rin sa naturang post ang birthday celebrant na si Julia.

“Love you Tita!! (heart emoji)” saad ng dalaga.

May mga netizens naman na nag-comment sa post ni Ruffa na pinagsasabihan si Julia na sana ay pansinin nito ang kanyang amang si Dennis Padilla.

Matatandaang nitong nagdaang araw ay nagbigay na ng advance birthday greeting ang actor-comedian sa kanyang panganay na anak kay Marjorie.

Marami sa mga netizens rin ang umaasa na papansinin ni Julia ang kanyang ama pero wala itong naging reply sa dalawang Instagram post ng ama para sa kanya.

“Sana naman mahalin nila ‘yung Tatay Dennis nila bago mahuli ang lahat,” comment ng isang netizen.

Saad pa ng isa, “mag Loveyou ka din sa papa mo.”

Pagtatanggol naman ng isang netizen kay Julia, “You act like Dennis is a perfect father. Ang dami niyang pagkukulang. Don’t judge Julia and her siblings without knowing what they had to go through growing up.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Gerald Anderson nag-celebrate ng Pasko kasama ang pamilya ni Julia
Julia game na game nang magpaseksi: Tumatanda na rin ako, so wala nang excuse na umayaw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending