Julia game na game nang magpaseksi: Tumatanda na rin ako, so wala nang excuse na umayaw | Bandera

Julia game na game nang magpaseksi: Tumatanda na rin ako, so wala nang excuse na umayaw

Ervin Santiago |February 27,2022
facebook
share this

Julia game na game nang magpaseksi: Tumatanda na rin ako, so wala nang excuse na umayaw

Ervin Santiago - February 27, 2022 - 06:13 AM

Julia Barretto

PARA sa amin, ang Vivamax original movie na “Bahay Na Pula” na ang pinaka-daring na project na ginawa ni Julia Barretto mula nang magsimula siya sa showbiz.

Grabe ang mga ginawa at ipinakita ng dalaga sa latest horror movie ng Viva Films — bukod sa kanyang mga eksena na naka-underwear lang ay may rape scene pa siya.

Pero hindi ang mga leading man niya sa pelikula na sina Xian Lim at Marco Gumabao ang nanggasaha sa kanya sa nasabing eksena kundi isang demonyo.

Napanood na namin sa Vivamax ang “Bahay Na Pula” na idinirek ng award-winning filmmaker na si Brillante Mendoza at totoo nga ang sinabi ni Julia na ibang-iba ito sa mga past projects na nagawa niya.

Aniya, pumayag siyang gawin ang lahat ng iniutos sa kanya ni Direk Brillante dahil tiwala siyang magiging artistic at hindi lalabas na malaswa ang mga nasabing eksena.

“It’s a leap of faith I have to take. After all, it’s part of growing up nand growing old if I really want to be committed to and passionate with my craft.

“I recently shot another film, ‘Expensive Candy’, which also required a lot of courage on my part. So, little by little, nakakagawa ako ng kind of daring sexy films like yung mga ginagawa ni Marco Gumabao,” pahayag ng aktres.

Sabi pa ni Julia, “It’s not just about doing love scenes or doing daring things for the first time. It’s part of your willingness to show how committed you are in your profession as an actress.

“Ayoko rin namang masyadong magkaroon ng limitations, kasi siyempre, parang binibigyan ko rin ng limitations ‘yung mga taong nasa likod ng creative process ng pelikula. 

“So, you have to give them that trust because they’re giving me their trust and malaking bagay kasi sa akin ang pinagkakatiwalaan ako. So, as much as possible, pinahahalagahan ko yun, iniingatan ko ‘yun.

“And I’m 24, tumatanda na rin ako, so wala na akong excuse na umayaw. Marco is the goal for me,” katwiran ni Julia.

Pero ang nakakagulat ay ang napaka-“wholesome” na role ni Marco sa “Bahay na Pula” dahil hindi siya naghubad sa movie at wala rin siyang sex scene. 

“Yun naman kasi ang sinabi ni Direk Brillante. He wanted something totally different for me in my role in our movie. And it’s fine for me. Hindi naman palaging may sex scene na kailangang maghubad ka, di ba? 

“We also want to show we can do a film without resorting to disrobing. But it doesn’t mean hindi na mako maghuhubad. I’d still do it given a very good project. But here, in ‘Bahay na Pula’, it’s a horror movie and our primary goal is to give the audiences a good scare,” paliwanag ng hunk actor.

Samantala, hindi rin nagkamali ang Viva Films at si Direk Brillante na pagsamahin sa pelikula sina Xian at Julia na gumaganap na mag-asawa sa kuwento dahil in fairness, malakas din ang chemistry nila on screen kaya hindi imposible na magkaroon pa sila ng follow-up project together.

Hindi na kami masyadong magkukuwento tungkol sa twists and turns ng “Bahay Na Pula” para ma-experience n’yo rin ang naramdaman namin habang pinanonood ito — nang mag-isa lang sa kuwarto! Ha-hahaha! Kaya try n’yo rin.

Basta ang masasabi lang namin, nagtagumpay si Direk Brillante na takutin ang manonood dahil sa bahay na pula na ginamit nila sa pelikula na matatagpuan sa Pola, Mindoro kung saan nangyari ang lahat ng kababalaghan at katatakutan sa kuwento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagsimula nang ipalabas ang “Bahay na Pula” sa Vivamax kaya watch na!

Julia, Xian, Marco hindi pa alam ang ending ng ‘Bahay Na Pula’, sey ni Brillante Mendoza: Abangan n’yo na lang

Xian pinaglaruan ng multo habang nagsu-shooting ng ‘Bahay Na Pula’: Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Marco Gumabao sawa na sa tanong kung anong gagawin sa Valentines: Wala naman po akong girlfriend so next question please?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending