Juliana Parizcova Segovia dinedma-dedma nga ba ni Vice Ganda?

Juliana Parizcova Segovia dinedma-dedma nga ba ni Vice Ganda?
PINABULAANAN ni Juliana Parizcova Segovia ang kumakalat na chika na hindi raw siya pinansin ng Unkabogable Star Vice Ganda sa naganap na MIQ Philippines pageant.

Mayroon kasing kumakalat na Facebook post kung saan sinasabing “sukang suka” raw si Vice Ganda sa komedyante kaya hindi niya ito pinansin noong coronation night ng nasabing beauty pageant.

Sa “Ogie Diaz Showbiz Update” ay nilinaw ni Juliana na hindi totoo ang kumakalat na post.

“Wala pong katotohanan ‘yung mga lumalabas na balita na dineadma ako ni Meme Vice sa MIQ Philippines,” saad ng komedyante.

Aniya, siya pa nga mismo ang nag-approach sa Unkabogable Star.

Dagdag pa ni Juliana, “Ang totoo po n’yan, ako ‘yung lumapit kay Meme. Nagbeso kami, nagyakapan kami so wala pong katotohanan ‘yung mga lumalabas na hindi ako pinansin ni Meme Vice.”

Hirit pa niya, iwasan raw sana ang maniwala sa fake news lalo na kung wala namang malinaw na ebidensya.

Isa si Juliana sa mga maiingay ngayon ang pangalan sa social media at paborito ng mga netizens matapos ang kanyang mga kontobersyal na videos na nagsimula sa panggagaya niya kay Angelica Panganiban hanngang sa mga “Kape Chronicles” nito na directed by Darryl Yap.

Kaya naman natanong rin siya ni Mama Loi patungkol sa mga bashers.

“Doon sa mga bashers, naku! Mukhang mahihirapan kayo na asarin ako. Charot,” diretsahang sagot ni Juliana.

Sey pa niya, “Tuloy-tuloy lang. Kung masaya kayo sa ginagawa n’yo at kung feeling n’yo nagiging productive ‘yung araw-araw n’yong buhay sa pambabash, go pero kung hindi, good luck.”

Related Chika:
Juliana Parizcova Segovia bumwelta sa netizens: Akala ko ba basta walang pangalan, ‘wag kakahol?
Juliana Parizcova Segovia may bwelta sa kasamahang sasampalin daw siya: Tuparin mo po yan!
Juliana Parizcova Segovia hindi na matiis ang panlalait kay Brenda Mage: Sige na lumabas ka na ng Bahay ni Kuya

Read more...