Alma Concepcion tinawag na ‘gurami’ ng basher: It’s not the age, it’s how you look…ikaw, ano itsura mo?
Alma Concepcion
PATOL kung patol ang dating beauty queen at aktres na si Alma Concepcion sa isang netizen na nanlait sa kanyang itsura sa social media.
Hindi pinalampas ng Binibining Pilipinas International 1994 ang basher na nagsabing mukha na siyang matanda pati na rin ang kanyang mga kaibigan.
Nag-post kasi si Alma sa Instagram ng isang photo kasama ang ilan niyang friends at isang netizen nga ang tumawag sa kanila ng “mga gurami” o matanda na.
Sa kanyang Facebook account, ipinost ng Kapuso actress ang screenshot ng comment ng hater katabi ang naging bwelta niya rito.
“So? Aging is a privilege denied to many. Ano issue mo sa gurami?” ang sabi ni Alma sa laiterang netizen.
Dagdag pa niyang sagot sa basher, “Mas gusto ko na maging ‘gurami’ kesa maging bata na wala naman respeto sa kapwa.
View this post on Instagram
Sa halip na tablan ng kahihiyan at mag-sorry kay Alma, muli pa itong sumagot nang pabalang, “Ano na naman ang drama ng matandang ‘to?”
Sagot naman sa kanya ni Alma with matching laughing emoji, “It’s not the age, it’s how you look. Ikaw, ano itsura mo?”
Marami namang Facebook users ang nagtanggol kay Alma at halos lahat ay nagsabing huwag na lamang niyang pansinin ang laiterang netizen dahil hindi naman totoong mukha na siyang matanda sa edad na 46.
Samantala, makakasama si Alma sa upcoming Kapuso action-adventure series na “Lolong” na pinagbibidahan nina Ruru Madrid, Shaira Diaz, Jean Garcia, Christopher de Leon at marami pang iba.
https://bandera.inquirer.net/299694/biktima-ng-scammer-nagsumbong-kay-willie-huwag-kayong-basta-patol-nang-patol-sa-mga-ganyan
https://bandera.inquirer.net/282369/jelai-andres-sa-bashers-pag-bad-ang-tao-dapat-mas-lalo-kang-maging-mabait-sa-kanya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.