NAGLABASAN ang mga reports ukol sa ina ng South Korean star na si Han So-Hee na kasalukuyang nahaharap sa kasong fraud matapos nitong gamitin ang pangalan ng sariling anak para makapangutang ng libo-libong dolyar.
Gumawa kasi ang ina ng aktres ng bank account gamit ang pangalan ng dalaga nang walang pahintulot.
Ayon sa 9ato Entertainment, agency ni Han So Hee, ay hindi babayaran ng aktres ang mga utang ng kanyang ina.
Nagbigay naman sila ng statement upang ipaliwanag ang naging desisyon nila ukol sa naturang issue.
“Han So Hee has no plans to take responsibility for this debt. This is to block from the source of actions of Ms. Shin (kanyang ina) in using her daughter’s name to borrow money and abusing the fact that her daughter is a famous celebrity to borrow money,” parte ng pahayag na inilabas ng agency ng aktres.
Dagdag pa nila, “It is true that she cannot cut the moral ties between mother and daughter. She feels apologetic for people who were harmed against her will. Despite this, we hope that incidents like these will not be repeated through this string response.”
Hindi rin pala ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ng ina ni Han So Hee.
Noong 2020 ay may mga kumakalat na ring alegasyon laban sa ina nig aktres na nang-scam sa mga tao kung saan humihiram ito ng pera gamit ang kanyang pangalan at nalaman niya lamang ito noong tumuntong siya sa edad na 20.
Noong mga panahon na ‘yun ay nagpasya siyang bayaran ang mga inutang ng ina kahit na nagsisimula pa lang siya sa industriya na mukhang ngayon ay pinagsisihan niya.
“I also learned that she had put my name in the debt documents without my knowledge and that my name was involved in a debt so large that I could not handle it,” saad ni Han So Hee sa isang blog noon.
Dagdag pa niya, “I was so young at the time, and through my immature judgment, I thought that the only solution was to repay the debt in her stead. However, I think that ended up causing more victims in the end, so I apologize.”
Ilan sa mga Korean dramas na pinagbidahan ni Han So Hee ay “My Name”, “The World of a Married Couple”, at “Nevertheless”.
Related Chika:
AJ ‘bagong pag-ibig’ raw ni Aljur; Kylie nag-react ukol sa isyu
Edu, Cherry Pie nagpakaligaya sa Palawan: Heaven on earth!