MAAGA ang naging pagbati ng aktor at komedyanteng si Dennis Padiila sa kanyang anak kay Marjorie Baretto na si Julia Barretto.
Sa kanyang Instagram account ay nag-post ang aktor ng throwback picture kasama ang dalaga na kuha noong nag-graduate ito.
“Julia… Advance happy bday anaj i love you,” caption ni Dennis.
Muli namang nag-post ang actor-comedian ng larawan ng anak na mukhang nag-flower girl sa isang kasal.
“Julia…. Time really flies… Advance happy birthday… Love you anak,” saad ni Dennis sa caption.
Bukas, March 10, ang actual birthday ng dalaga.
Marami naman sa mga netizens ang naantig sa naturang post ni Dennis at dalangin nila na sana ay manumbalik muli ang mabutong samahan ng mag-ama.
Comment ng isang IG user, “Si Diego Loyzaga nakipag-reconcile na sa papa niya. Hopefully, si Julia rin. Anuman daw ang mali ng magulang kahit ikaw anak ang tama, need mo pa rin silang mahalin at respetuhin kasi nandito sa sa mundo dahil sa kanila. Spread love not hate.”
“Siya pa rin ang tatay kaya dapat may pagtingin sa pinagmulan. Kapag naging magulang, malalaman ang kahulugan ng pagiging magulang,” saad naman ng isa pa.
Matatandaang nitong Disyembre ay naikuwento ni Dennis na nasa proseso na sila ni Julia ng muling pagsasaayos ng kanilang relasyong mag-ama.
“Okay naman, although syempre para kang nagsisimula ulit. Galing kami sa misunderstanding so now nagsisimula pa lang kami,” pagbabahagi niya.
Dagdag pa ni Dennis, “Kailangan lang talagang open ‘yung communication para lahat ng nararamdaman mo, nasasabi mo na agad, hindi mo napupuno. So ganoon din sa side nila, kailangan naka-open ‘yung communication at tuloy-tuloy para meron kayong magandang napag-uusapan, may magandang napupuntahan ‘yung mga topics n’yo.”
Hindi naman na bago ang usapin patungkol sa mag-ama dahil ilang beses na rin silang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan pero nitong nakaraang taon ay nagkaayos sila matapos tamaan ng COVID-19 ang komedyante.
Bukod kay Julia ay may dalawang anak pa si Dennis kay Marjorie Barretto at ito ay sina Leon at Claudia.
Related Chika:
Banta ni Marjorie sa mga naninira kay Julia: Buhay na buhay pa ang nanay niya!
Dennis kay Gerald: Mas maipakikita mong mahal mo si Julia kung irerespeto mo ‘yung tatay niya