Pandemya ‘di alintana ng nagnanais mag-artista
BINULABOG ng COVID-19 ang mundo mula nang pumutok ang pandemya noong 2020, at maraming mga plano ang nadiskaril. Ngunit may mga nagpursigi pa rin upang matupad ang mga pangarap na makapasok sa mundo ng show business.
Sumasailalim na sa mga acting workshop si Esteven Dayrit sapagkat inamin niyang hilig niya ang pag-arte. “I took this decision as a challenge for myself to test and discover my capabilities,” sinabi niya sa Inquirer sa isang online interview.
Para sa kanya, “different environment” ang showbiz, ngunit humuhugot siya ng lakas ng loob mula sa suporta ng pamilya at mga kaibigan. Napabilang na siya sa short film na “Sugat sa Dugo” na ipinalabas sa 2021 International Film Festival Manhattan kung saan din hinirang ang bidang si Janice de Belen bilang best actress.
Isa pang tumatawid sa bagong mundo si RJ Ariar, isa sa mga “prince” sa 2021 Mister and Miss Philippine Youth competition. “My experience in transitioning from pageantry to show biz wasn’t that complicated, because I enjoy every single part of my journey in pursuing a new career,” aniya.
Para naman kay Leone Adriano, hindi na bago ang showbiz sapagkat apo siya ng beteranang aktres na si Rosanna Roces. Ang hamon para sa kanya ay pagsabayin ang pag-aaral sa pag-aartista.
“I balance studies and show biz by studying first and doing all my school activities, then after that I attend our workshops,” anang-14-taong-gulang na bata.
Samantala, nakipagsabayan na sa pag-arte kay De Belen si Khai Flores sa “Sugat sa Dugo.”
“I agreed to do the film because it’s an advocacy film about AIDS, and we want to spread HIV awareness,” anang aktor, sinabi pang higit siyang nabuhayan ng loob dahil sa parangal na tinanggap ng aktres sa Manhattan.
“I’m so proud to be a part of this beautiful film. I hope the film will be shown in Manila sometime in March or April,” pagpapatuloy pa ni Flores.
Nasa ilalim ang apat ng Dragon Talent Management Group and Productions, na humahawak din sa karera ng ilang musical artists, aktres, at pageant aspirants.
Related Chika:
Sapatos na ‘sexy and comfy’ na gawang-Pinas irarampa ng mga Miss U candidate
Claudine galit na galit sa pinuntahang ospital: Parang sasabog ang dibdib ko!
Paolo may anak na kay Lara; nakatakdang kasal napurnada dahil sa pandemya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.