Carlos Agassi nagka-freak gym accident: Kukunin ko pa lang ‘yung weights, nadulas na ako

Carlos Agassi nagka-freak gym accident: Kukunin ko pa lang 'yung weights, nadulas na ako

IBINAHAGI ng hunk actor na si Carlos Agassi ang naranasan niyang freak gym accident kasama ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Sarina Yamamoto.

Sa kanyang interview sa show na “Mars Pa More”, ikinuwento niya na hindi pa man rin siya nagsisimula sa kanyang workout ay naaksidente na agad siya.

“Naglalakad pa lang ako, as in kukunin ko pa lang ‘yung weights, nadulas na ako,” pagbabahagi ni Carlos.

Aniya, tatawanan pa sana siya ng kanyang dyowa pero nabigla ito sa nakita nang tignan siya nito.

“Tatawa sana si girlfriend kaso pagtingin niya sa akin nakita niya tumutulo ‘yung digo. Ano naman sa lakas ng impact, kaysa na-unconscious ako parang nagising ako. Parang nagka-energy ako.” pagpapatuloy ni Carlos.

Nagulat rin daw siya nang makita sa salamin ang nangyari sa kanya matapos madulas dahil daw biglang naging tatlo ang kanyang kilay.

“Nag-faceplant ako. ‘Yung sapatos ko hindi ko siya ginamit since pandemic, so naiwan. Pag-iwan niya nadulas, nag-faceplant ako. Pagtayo ko, sa akin wala lang, sa kaniya (Sarina) ‘yung reaksyon niya, in shock. So after nun dumiretso na kami ng Makati Med, kinunan ako ng ano… ‘Okay, wala kayong COVID.’ Eventually, natahi, tetanus shot,” salaysay ni Carlos.

Ayon sa aktor, nagtamo siya ng seven stitches sa kilay at 12 stitches naman sa kanyang labi.

Sey pa ni Carlos, “‘Pag tinitingnan ko ‘yung photos nakakatawa siya, pero noong time na ‘yun alam mo ‘yung hiyang hiya ka, naiiyak, kasi parang accident or stupidity, hindi ko na alam ano’ng nangyari e. Basta freak accident.”

Related Chika:
Carlos Agassi nagkadyowa dahil sa ‘dating app’: Nu’ng nakita ko siya, sabi ko, ‘Wow ang ganda niya!’
JC hirap na hirap magpaalam sa pamilya ‘pag magtatrabaho; Carlo sinusulit ang bawat oras sa anak
Carlo Aquino curious sa pagiging troll: Mukhang maganda bigayan

Read more...