Coco Martin, Julia Montes kabilang sa mga ninong at ninang ni Baby Felize

Coco Martin, Julia Montes kabilang sa mga ninong at ninang ni Baby Felize

BININYAGAN na ang super cute baby nina McCoy de Leon at Elisse Joson na si Felize McKenzie nitong Linggo, February 27.

Sa Instagram account ni Elisse ay proud na proud siyang ibandera sa netizens ang bagong milestone ng anak sa pamamagitan ng isang video.

“The start of a blessed life for pur sweet baby Felize,” saad niya sa kanyang caption.

“For the Godparents, the guests, our family, we are so grateful for all of you. Thank you for being there with us,” dagdag pa nila.

Ikinuwento rin ng first time parents ang kanilang experience sa pag-aalaga kay baby Felize.

“Totoo talaga ‘yung kapag nagkaanak ka, siya ‘yung nagiging sentro,” pagbabahagi ni McCoy.

Sey naman ni Elisse, “Sobrang bait niyang baby. Hindi siya mahirap alagaan. Iiyak lang siya kapag may kailangan siya, gutom, inaantok.”

Bukod sa video ay ibinahagi rin ni Elisse ang ilang mga larawang kuha sa binyag ng anak pati na rin ang mga larawan sa reception kasama ang kanilang pamilya, bisita, at mga ninong at ninang ng kanilang little angel.

At speaking of ninong at ninang, kabilang ang rumored couple na sina Coco Martin at Julia Montes sa mga tumatayong pangalawang magulang ni baby Felize.

Bagamat hindi nakadalo, hindi naman nakalimot ang dalawa na magpadala ng regalo tanda ng kanilang pagmamahal sa bagong inaanak.

“To our inaanak Felize, welcome to the Christian eorld. Ngayong pa lang marami na ang nagmamahal sa ‘yo,” pagbati ni Coco.

“Welcome to the Christian world. May God protect you always and know that you are one lucky baby to have your parents,” sey naman ni Julia.

Kapansin-pansin naman ang pagkakaparehas ng balot pati na rin ng papel kung saan nakasulat ang kanilang mensahe para kay Felize.

Anyway, bukod kina Julia at Coco, kabilang rina sina Pooh, Sofia Andres, at asawa ni Hashtag Nikko na si Cielo sa mga godparents ng anak nina McCoy at Elisse.

Related Chika:
Elisse hindi pinahirapan ni Baby Felize sa pagbubuntis: Walang hilo, walang suka!
‘Kilikili kiss’ ni McCoy kay Elisse pampaswerte sa pagpasok ng 2022

Read more...