Kris Aquino kaya bang tumagal na hindi nagpo-post sa social media?

Kris Aquino kaya bang tumagal na hindi nagpo-post sa social media?

ISA si Kris Aquino sa mga naging topic ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang “Showbiz Update” vlog kasama sina Mama Loi, Dyosa Pockoh, at Mrena.

Ito ay matapos mag-post ng Queen of All Media ng kanyang larawan kasama ang malalapit na kaibigang sina Angel Locsin, Cong. Marlyn “Len” Alonte, Anne Binay, at iba pa para sa kanyang intimate birthday celebration.

Masaya naman ang apat dahil sa kabila ng lagay ng kalusugan ni Kris ay nakapag-celebrate pa rin ito ng kanyang kaarawan kasama ang mga taong espesyal sa kanyang buhay.

Bukod pa rito, napag-usapan rin nila ang kasunod na post ng TV host-actress patungkol sa kanyang pamamaalam muna sa social media dahil kailangan nitong magpahinga at malayo sa stress para sa susubukang treatment sa kanyang karamdaman.

Kaya naman natanong ni Mama Loi si Ogie Diaz kung naniniwala itong matutupad na hindi muna magso-social media si Kris.

“Hindi,” diretsahang sagot ni Ogie. “Ako talaga, hindi ako naniniwala. Kailangan bigyan mo ako ng mga 2 months para maniwala ako na ‘Ay, ang taray. Si Kris 2 months nang walang post. Tinotoo nga niya ang kanyang pangako na magpapahinga muna sa social media’.”

Dagdag pa niya, “E si Kris Aquino ‘yan, ano. Hindi makakatiis ‘yan. Maniwala ka lalo na’t wala siyang masyadong ginagawa at isa yan sa pinagkukuhaan niya ng lakas, ‘yung social media.”

Aniya, bukod sa maaaring maging source ang social media sa mga balita at manatiling updated ang kaibigan, hindi rin daw kasi nito kayang tiisin ang mga fans na hindi nagbabalita ukol sa kanyang lagay.

“Knowing Kris, lagi niyang ibinabahagi ang kanyang journey… lalo na ng kanyang buhay,” sey pa ni Ogie.

Singit naman ni Mama Loi, “E malay mo naman this time, talagang magsa-sign off na siya.”

Ang tanging sagot lang ni Ogie ay mag-antay ng 2 months para masabing totoo nga na bet nang mag-sign off ni Kris sa socmed. Tumawad pa nga ito na kahit 1 month na lang raw.

Pabiro pa ngang nakipagpustahan ang talent manager sa kanyang mga kasama para patunayan ang kanyang pahayag.

“Kapag tama ako, magki-kiss sa lips si Mrena tsaka si Dyosa,” sey ni Ogie.

Ngunit kung mali daw siya sa kanyang kutob sa pagsa-sign off ni Kris ay sila raw ni Mama Loi ang magki-kiss ayon kay Dyosa.

Mukha namang napasubo ang talent manager sa kanyang pakikipagpustahan sa kaibigan.

“My God. Kris, ha? Nakakaloka,” saad pa ni Ogie.

Matapos ang pakikipagpustahan ay napag-usapan naman nila ang lagay ng kalusugan ni Tetay.

“Syempre tayo ay nagpe-pray pa rin para kay Kris Aquino na sana malampasan niya dahil sabi nga niya, na-rule out na ang cancer at diabetes,” saad ni Ogie.

Dalangin rin namin sa Bandera ang paggaling ng Queen of All Media.

Anyway, abangan na lang rin natin kung saan mapupunta ang pustahan nina Ogie Diaz. Sino nga kaya ang magiging next love team na madi-discover sa kanilang apat nina Mama Loi, Mrena, at Dyosa Pockoh.

Related Chika:
Ogie Diaz suportado si Tito Boy kung lilipat sa GMA-7: Kailangan niyang magtrabaho
True ba, Aljur Abrenica, AJ Raval naghiwalay na?

Read more...