Sharon inamin ang pinakaayaw pero minahal niya kay Kiko: Wala siyang pera, dahil ‘di siya nagnanakaw

Sharon inamin ang pinakaayaw pero minahal niya kay Kiko: Wala siyang pera, dahil 'di siya nagnanakaw

PROUD na ibinandera ni Megastar Sharon Cuneta sa nagdaang campaign rally sa Iloilo ang asawang si Sen. Kiko Pangilinan na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-bise presidente sa darating na May 2022 elections.

Aniya, si Kiko ang klase ng tao na talaga namang tinitingala ng lahat sa kanilang buong pamilya.

Pinuri rin niya ang asawa dahil isa ito sa mga tumulong sa kanya noon at tumanggap sa kanyang anak na KC Concepcion at hindi ito itinuring na ibang tao.

“One of the very few people on this planet that I know like the palm of my hand, who has a very few heart, a heart to serve,” saad ni Sharon.

Pero ang kanyang mga sumunod na pahayag ay talaga namang nakakuha ng atensyon dahil tila ibinunyag niya ang asawa na ikinatawa at ikinamangha ng madlang pipol.

“Who has what I hate the most, which I also love the most, and that is the fact na wala siyang pera, dahil ‘di siya nagnanakaw. Since 2001, senador na yan,” dagdag ni Sharon.

Biro pa niya, “Nagtatrabaho pa po ako sa Probinsyano, kasi kailangan kong tapusin ‘yung pinapagawa naming bahay.”

Kahit nga ang kasama sa rally na si Rica Peralejo ay naloka sa rebeleasyon ni Sharon.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi niya ang kuhang larawan habang nagsasalita sa mamamayan ang Megastar na may caption ng kanyang paboritong parte ng speech ni Ate Shawie.

Aniya, nakaka-relate siya sa sinabi ni Sharon dahil ganon rin daw sila ng asawang pastor na si Joseph Bonifacio.

“Parang tayo lang, Love. Need ko magtrabaho ’cause after all these years wala ka pa din pera hahahahaha (laughing emoji,” biro ni Rica sa asawa.

Going back sa speech ni Sharon, pinaalalahanan niya ang mga kababay kung gaano kahalaga ang kanilang boto sa darating na halalan.

“You know this is for your future. You are smart and wise enough to know this is for you and for coming generations. Do not give away your country.

“Do not allow anyone to take away your God-given rights. Most of all, always choose those that will glorify God Almighty so our country will be blessed,” aniya pa.

Related Chika:
Sharon nagsalita na sa mga kumakalat na intriga, ‘umaming’ pwede n’yang iwan si Kiko para sa isang lalaki
Ogie Diaz boluntaryo ang pagdalo sa Iloilo para kay VP Leni: Wala ho kaming bayad

Read more...