Maggie Wilson, Victor Consunji muling nagkasama para sa kaarawan ng anak

Victor Consunji, Maggie Wilson at Conor Consunji

KAARAWAN ng nag-iisang anak nina Victor Consunji at Maggie Wilson na si Connor at ipinagdiwang nila ito nitong Peb. 28 sa M Residences Clubhouse sa Acacia Estates, Taguig City na pag-aari mismo ng pamilya Consunji.

Nag-post ng madamdaming pagbati si Maggie para sa 10th birthday ng anak sa kanyang Instagram account.

“I can’t believe you are now 10 years old. Where has the time gone?

“My pregnancy and journey to have you was not an easy one but it was all worth it.

“I remember everything like it was just yesterday. I am so proud of the little man you have become.

“Seeing you grow into the beautiful young man that you are brings me so much joy. You are so kind, gentle and extremely loving.

“I cherish every hug, every kiss and all of our tender moments of lambing. I love so much my Connor. Happy birthday bubba!”

“Under the sea” ang theme ng birthday party ni Connor base sa post ng Rio Jones Photography. May kuhang magkasama ang ex-couple na sina Maggie at Victor kasama ang kanilang anak.


Matatandaang noong Set. 27, 2021 ay naglabas ng official statement si Maggie na tinuldukan na nila ni Victor ang kanilang pagiging mag-asawa sa loob ng 11 years.

Samantala, naghahanda na rin si Maggie sa lilipatan niyang bagong opisina para sa bagong negosyo kasama ang mga bagong investors.

Bakit nga ba biglang naghiwalay sina Maggie Wilson at Victor Consunji after 11 years?

Maggie Wilson nakipag-safari date sa anak na si Connor

Maggie Wilson, Victor Consunji hiwalay na makalipas ang 11 taong pagsasama bilang mag-asawa

Read more...