Direk Joel sa sex scenes nina Kit at Christine sa ‘Moonlight Butterfly’: Halos makita na ang buong kaluluwa nila!
Christine Bermas, Kit Thompson at Albie Casino
MAS nahirapang humawak at nagpaputok ng baril ang baguhang sexy star na si Christine Bermas kesa maghubad at makipag-love scene sa pelikulang “Moonlight Butterfly.”
In fairness, masuwerte si Christine dahil ang huling dalawang pelikulang nagawa niya ay idinirek ng mga veteran at award-winning filmmaker — sina Joel Lamangan at Brillante Mendoza.
“Si Direk Joel, nakasama ko sa ‘Silab’, na naipalabas na, at sa ‘Huling Birheng Bakla sa Balat-Lupa’, na hindi pa nari-release, at ngayon kasama ko uli siya rito sa launching film ko, itong ‘Midnight Butterfly’ po,” simulang pahayag ng palaban ding sexy star.
“Si Direk Brillante naman, nakasama ko sa ‘Sisid’ na napalabas na rin, at sa ‘Pola’ with Coco Martin na tapos na rin naming gawin. I also did ‘Siklo’ with Direk Roman Perez,” dugtong pang chika ng dalaga.
Ayon kay Christine, medyo nasanay na rin siya sa paghuhubad sa harap ng mga camera, “Actually, I never expected I’d get into acting. I started with the girl group Belladonnas and, ang akala ko, hanggang singing and dancing lang ako.
“But this was given to me. Marami kaming nag-audition and akong pinalad na makuha. For me, parang stepping stone lang ito and eventually I hope to get more challenging roles and be recognized for my good acting and not just for baring,” sey pa ni Christine.
Samantala, natanong din ang sexy star tungkol sa mga netizens na namba-bash sa ginagawa niyang pagpapakita ng katawan sa mga pelikula ng Vivamax. May mga nang-ookray din sa kanyang akting.
“I just don’t mind them. I’d rather just focus on how to improve myself than dwell on their negativity.
“Going sexy naman, it’s part of my job at ginagawa ko lang what they ask of me sa trabaho ko. Pinasok ko ito, alangan namang sa shooting, mag-inarte pa ako,” katwiran pa niya.
View this post on Instagram
Pero in fairness, pinuri naman siya ni Direk Joel sa ginawa nilang pelikula, “Okay siya. Bago siya pero mahusay and I am proud to say na meron na naman akong nadiskubreng bagong batang aktres na puwedeng pakinabangan ng ating industriya for a long time. Magaan siyang katrabaho and she delivers.”
Gaano naman ka-daring ang mga sex scenes na ginawa ni Christine sa movie kasama ang mga leading man niyang sina Kit Thompson at Albie Casino?
“They’re all very daring. Halos makita na ang buong kaluluwa nila. But they’re very good actors, very professional. Ibinigay nila what we required from them and you can see hindi sila basta napipilitan lang sa ginagawa nila kundi may commitment sila sa craft nila,” sey pa ni Direk Joel.
Sabi ni Christine, ang “Moonlight Butterfly” na raw ang pinakamatinding movie na ginawa niya in terms of sex scenes, “Nahirapan din ako but more than that, mas nahirapan ako sa scenes na humawak ako ng baril.
“Kasi naging suspense-thriller ito towards the end when we fight some terrorists. First time kong humawak ng baril at sobrang kinakabahan ako habang tinuturuan nila ako.
“But eventually, nagawa ko naman, lalo nang tinuruan ako ni Kit who’s a very supportive leading man,” aniya pa.
Mapapanood na ang “Moonlight Butterfly” sa Vivamax simula sa March 28.
https://bandera.inquirer.net/293444/kit-albie-bibinyagan-si-christine-bermas-sa-sex-drama-spy-thriller-na-moonlight-butterfly
https://bandera.inquirer.net/306652/joel-lamangan-bumilib-kay-kit-thompson-all-out-siya-sa-pagiging-daring-walang-tanong-tanong
https://bandera.inquirer.net/281723/diego-nakikita-na-ang-sarili-bilang-asawa-ni-barbie-kasama-ang-kanilang-mga-anak
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.