Asawa ni Baron Geisler may patutsada sa isang aktres: Kabit sa movie, nadala in real life

Asawa ni Baron Geisler may patutsada sa babaeng bet maging 'kabit'

MATAPANG na naglabas ng saloobin si Jamie Marie Geisler patungkol sa isang aktres na nag-book ng sasakyan para lang masundo ang kanyang asawang si Baron Geisler para makapunta sa kanilang bahay at makipag-inuman.

Sa kanyang Facebook post ay diretsahan niyang tinalakan ang aktres na bagama’t hindi niya pinangalanan ay binanggit naman niya na mula ito sa Viva.

“Booking a car for a married man to go drinking at your place ain’t cool. It is very unbecoming of a single Christian woman, i support and respect my husband’s craft but I don’t tolerate such disrespect. So let’s keep it professional,” saad ng asawa ni Baron.

Dagdag pa nito, “Kabit sa movie, nadala in real life,” dagdag pa ng ginang. “I suggest you train your talents/starlets to learn how to get out of character, Viva Artists Agency.”

Feeling naman ng asawa ni Baron na nais lang gumawa ng eksena ng aktres para sumikat at mapag-usapan.

“This post is to encourage setting boundaries. I don’t intend to humiliate anyone, but I value my mental health and my family. Wrecking a family shouldn’t be an avenue to get famous… Know your place,” sabi pa ni Jamie.

Makalipas ang ilang oras ay binura na rin ng asawa ni Baron ang kanyang post at sinabing kaibigan niya ang aktres na kanyang tinutukoy.

Sey ni Jamie, “Thank you for your kind words, friends. I’m sorry to vent my frustration here, so classless of me. However, I considered her my friend, and she is aware that my husband has a drinking problem. I sent her a personal message to no avail, so I had to get my message across. I know a lot of women can relate to my situation.”

 

“Please don’t bash her, she is a nice person. Maybe she just wasn’t thinking right. Praying God will take away the anger in my heart,” paliwanag pa ng asawa ni Baron.

Related Chika:
Baron Geisler: Nawalan ako ng Diyos…feeling ko kasi ako yung pinakamagaling
Baron inatake ng depresyon sa lock-in taping: Buti na lang nandoon si Lander…

Read more...