Anna Vicente masayang isinilang ang kanyang kambal: My biggest blessings came earlier than expected

Anna Vicente masayang isinilang ang kanyang kambal: My biggest blessings came earlier than expected

ISINILANG na ng Kapuso actress na si Anna Vicente ang kanyang kambal na anak nitong Miyerkoles, February 23.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktres ang kanyang larawan kasama ang kanyang two little angels.

“Surprise! Here they finally are! My biggest blessings came earlier than expected. They were excited to go out so I had to be on emergency [Caesarean] last night. Everything went by really really fast,” saad ni Anna.

Pagkukwento ng aktres, hindi na halos niya matandaan ang mga nangyari at tila blurred ang mga nangyari pero lahat ay naging worth it matapos niyang marinig ang iyak ng kanyang mga anak.

Dagdag pa niya, “All was blurred and shaky but the kaba was worth it when I heard them [cry] for the first time, when I first held them in my arms. The best feeling ever! I never knew I could love someone so much that it hurts.”

Nagpasalamat rin si Anna sa mga taong nagpadala ng dasal at positive energy para sa kanyang panganganak. Nagpaabot rin siya ng pasasalamat sa mga doktor, nurses, at mga hospital staff sa pag-aalaga sa kanya at sa kanyang pamilya.

Bumuhos naman ang congratulatory messages sa aktres para sa kanilang bagong blessing ng kanyang boyfriend.

“Praise GOD! Congratulations Anna sa new family mooo!” saad ni Rita Daniela.

Comment naman ni Angela Alarcon, “Congratulations babe I love you so so much! So happy for you.”

“Congrats my luv!! Cant wait to meet them,’ sey naman ni Barbie Imperial.

Matatandaang nitong January nang isapubliko ni Anna ang kanyang pagdadalantao sa anak nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Paolo Mercado.

Related Chika:
Kapuso actress Anna Vicente buntis na, kambal ang magiging panganay
Kapuso kontrabida Anna Vicente ka-look-alike raw nina Bea Alonzo at Emma Watson, agree?

Read more...