Pamilya ni Andi babalik na sa Siargao: There's just no place like home | Bandera

Pamilya ni Andi babalik na sa Siargao: There’s just no place like home

Ervin Santiago |February 22,2022
facebook
share this

Pamilya ni Andi babalik na sa Siargao: There’s just no place like home

Ervin Santiago - February 22, 2022 - 07:59 AM

Andi Eigenmann, Philmar Alipayo, Ellie, Lilo at Koa

HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay baka pauwi na nga si Andi Eigenmann sa bahay nila sa isla ng Siargao kasama ang kanyang pamilya.

Makalipas ang ilang buwang pamamalagi sa Manila, nakatakda nang magbalik sina Andi sa Siargao Island na isa sa mga sinalanta ng bagyong Odette noong December, 2021.

Nag-post ang aktres sa kanyang Instagram account kamakalawa, Feb. 21, ng ilang super cute photos ng anak niyang si Lilo na ang background ay ang mga high-rise building sa paligid ng kanilang tinitirhan sa Maynila.

Sabi ni Andi sa caption, “Last series of snaps with this concrete jungle as background. 

“I know the scenic coconut trees will still not be as lush and green as it used to be, but to us, there’s just no place like home,” pahayag pa ng anak ng award-winning actress na si Jaclyn Jose.

Aniya pa, “Stay tuned, and join us once again as we hit the road and make our (long) way back home!”

Matagal nang naninirahan si Andi sa Siargao kasama ang fiancé na si Philmar Alipayo, at ang mga anak nilang sina Lilo at Koa, at Ellie, na anak naman nila ng dating karelasyon na si Jake Ejercito. 

View this post on Instagram

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


Pansamantalang nanirahan sina Andi dito sa Manila matapos sirain ng bagyong Odette ang bahay nila sa Siargao pati na rin ang iba pang properties sa isla. Naapektuhan din ng super typhoon ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sa isang post ni Andi sa IG, nagpapasalamat pa rin siya sa kabila ng mga nangyari sa Siargao, unang-una na nga rito ang kanilang kaligtasan.

“My kids know for sure this is not ‘home’, but having both of us around somehow makes everything better. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Although soon, Papa will be going back to the island again, I am more than happy to focus on our children for the both of us knowing that he is able to help better from there,” sey ni Andi na nagsimulang manirahan sa Siargao noong 2017.

Andi biglang naiyak nang mabasa ang message ng kaibigan matapos bayuhin ni Odette ang Siargao

Yassi binisita ang pamilya ni Andi sa Siargao: I love when you see some of your real friends…

Si Nadine Lustre na nga ba ang bagong ‘Andi Eigenmann’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending