Matteo, Sarah muling pinakilig ang fans sa kanilang 2nd wedding anniversary: Partners for life!
Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo
MULING pinakilig ng celebrity couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang kanilang mga fans and social media followers ngayong araw.
Ngayong Linggo, Feb. 20, nagse-celebrate sina Matteo at Sarah ng kanilang second wedding anniversary.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinahagi ni Matteo ang kanyang super sweet message for his wifey Sarah G.
Nag-post ang Kapamilya actor-singer ng mgaitrato nila ni misis na may caption na, “Through thick and thin and all the ups and downs, we will be partners for life.”
Dagdag pa ni Matteo, “I love you my beautiful wife! You’re the best (three heart emojis). Happy 2nd year anniversary! #theguidicellis @justsarahgph.”
Naki-celebrate siyempre ang mga AshMatt fans kasabay ng pagbuhos ng pagbati para sa mag-asawa. Narito ang ilan sa mga anniversary greetings ng mga netizens at ng ilang celebrities.
“Happy Anniversary!!!” pagbati ni Iza Calzado.
Comment ni Karen Davila: “AWWWW! Happy Anniversary!!!”
“Happy Anniversary AshMatt! God Bless your marriage! We love you!” sey ng isang AshMatt fan.
“Happy Anniversary! May God bless you both. Stay happy & in love,” ang greeting ng isa pang netizen.
View this post on Instagram
Sa isang panayam, natanong si Matteo kung member din siya ng “bullied husbands club” na palaging ginagamit na joke ng kaibigan niyang si Nico Bolzico kapag natatanong tungkol sa kani-kanilang asawa.
“Our wives are always correct. All I can say is, they call themselves bullied but I, I respect that, and I just say yes all the time,” natatawang sagot ni Matteo.
“Of course, she’s always the boss,” ang sagot naman ng aktor sa tanong kung paano nila inaayos kapag meron silang hindi pagkakaunawaan.
“We have to fix it before we go to bed because it’s ugly when there is anger. Before we sleep, we try to fix it. If it’s not okay, it’s not when we wake up, it’s a new day so smiling,” aniya pa.
Ikinasal sina Matteo at Sarah noong Feb. 20, 2020 sa isang secret wedding na nabahiran pa nga ng intriga at kontrobersya nang sumugod sa venue ng kanilang pag-iisang dibdib ang nanay ng aktres na si Mommy Divine Geronimo.
Balitang medyo umaayos na raw ang relasyon ni Sarah sa kanyang ina pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umano nagkakaayos sina Matteo at Mommy Divine.
https://bandera.inquirer.net/289208/matteo-gusto-nang-maging-daddy-tinukso-tukso-si-sarah-babies-babies-ha-happy-birthday
https://bandera.inquirer.net/279761/sarah-nakipag-ayos-na-kay-mommy-divine-tanggap-na-kaya-ng-pamilya-geronimo-si-matteo
https://bandera.inquirer.net/283682/miss-universe-philippines-rabiya-mateo-binati-nina-sarah-geronimo-at-matteo-guidicelli
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.