“SECRET” ang sagot ni Diego Loyzaga nang tanungin siya kung nakauwi na siya ng Pilipinas mula Amerika kung saan mahigit isang buwan siyang nagbakasyon kasama ang mga kaibigan at kaanak.
Matatandaang bago mag-Bagong Taon nang lumipad si Diego patungong Amerika para sa much-needed vacation.
Sa nakaraang mediacon ng unang pelikula ng aktor para sa 2022 na “The Wife” ay nabanggit niyang nagugustuhan niyang tumira sa Amerika at sa katunayan ay naghahanap siya ng matitirhan at trabaho.
Pero dahil may mga prior commitment ang binata sa trabaho niya bilang artista at talent ng Viva Artist Agency ay kinailangan niyang bumalik ng bansa dahil in two or three weeks ay may sisimulan siyang pelikula.
Anyway, sa tanong kay Diego sa ginanap na “Adarna Gang” zoom mediacon ay natanong kung kumusta na siya ngayon, sabi nga niya, “breaking point.”
“I’m in a very good point. I’m loving my job. I’m loving my career. I’m happy and I had the best vacation of all time (tumatawa). It was so good. I love the States and you know I had plans prior to 2022.
“Well, you know in life sometimes not everything goes to plan so I have to re-assess. I had to see where I want to go again now that things have changed. What I’m gonna do, where I’m working for, what I’m doing all these for like one-year plan, two-year plan, five years (from) now what I’m gonna be,” kuwento ng aktor.
Nabanggit na habang nasa Amerika siya ay napag-isip niya kung ano talaga ang mga gusto niya sa buhay sabi nga niya, “It’s very refreshing.”
Dagdag pa, “I feel like a new me, although physically right now I feel sick. I don’t know, I guess it’s the jetlag. I got sipon and a cough but aside from those physical things my mind is in the right place, my heart is in the right place and I am a very happy guy, so, everything’s good.”
Sa madaling salita, nanaig ang tawag ng showbiz kay Diego dahil bumalik siya at pagkatapos ng “Adarna Gang” ay isusunod naman ipalalabas ang ikatlong pelikula niya ng 2022, ang Greed na ang nagbabalik na si Nadine Lustre naman ang kasama niya na mapapanood sometime this April.
Going back to “Adarna Gang” ay mapapanood na ito sa March 11 sa Vivamax mula sa Viva Films at idinirek ni Jon Red.
* * *
Sa ikatlong pagkakataon, nagkaroon ng tsansa ang multi-awarded director na si Pepe Diokno na mag-direct ng campaign video ng kanyang ama na si senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno.
Gumawa ng dalawang video shoots si Pepe kasama ang ama sa unang pagpasok nito sa pulitika noong 2019. Tatlong taon ang nakalipas, napansin niya na may kakaiba sa kanyang ama nang gawin nila ang unang campaign video para sa 2022 elections
“Very proud ako sa kanya kasi napaka-komportable na niya in front of the camera. In 2019, he was still getting used to things,” wika ni Pepe.
Sa pananaw ng isang director at hindi bilang isang anak, pinuri rin ni Pepe ang ama dahil mabilis ito sa set at sa pagiging totoo niya sa pagbigkas ng kanyang mensahe at plataporma sa taumbayan.
“Pero ngayon, objectively speaking, ang bilis na niya on set. And watching him, ramdam mo talaga yung puso at pagiging totoo,” wika ni Pepe, na tinutukoy ang bagong 55-segundong campaign video na inilunsad noong isang linggo.
Sa kayang bagong video, binigyang diin ni Diokno ang kahalagahan ng pagbibigay sa inaapi at mahihirap na Pilipino ng agarang libreng tulong legal upang magkaroon sila ng patas na pagkakataon sa paghahabol ng hustisya.
“Kaya ang hangad ko, bawa’t Pilipino ay mabigyan ng access sa libreng serbisyong legal sa kanilang barangay upang masagot ang kanilang katanungan at mailapit sila sa angkop na abugado,” dagdag pa niya.
Isusulong ni Diokno ang paglalagay ng libreng tulong legal sa mga baryo, gaya ng Free Legal Helpdesk na kanyang nilagay sa kanyang Facebook page, upang mabigyan ng agarang tulong legal ang mga ordinaryong mamamayan kapag nanalo siya bilang senador.
Paiigtingin din ni Diokno ang barangay justice system ng bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kapabilidad ng Lupong Tagapamayapa sa pagtugon sa mga isyung legal.
Makatutulong din ang pagpapalakas ng barangay justice system para mabawasan ang kaso sa mga hukuman dahil mareresolba na ito sa barangay pa lang, punto pa ni Diokno.
“Libreng serbisyong legal sa bawat baryo. Ang dehado, gawing liyamado!” wika ni Diokno sa campaign video.
Nakuha kamakailan ni Diokno ang suporta ng aktres na si Heart Evangelista at social media influencers na sina Sassa Gurl, Pipay at Gaia.
Related Chika:
Diego Loyzaga tikom pa rin ang bibig ukol sa estado ng kanilang relasyon ni Barbie Imperial
True ba ang chika, hiwalay na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga?