Son Ye Jin aminadong si Hyun Bin ang kanyang first love

Son Ye Jin aminadong si Hyun Bin ang kanyang first love
IBANG level na naman ang kilig na nadarama ng mga K-Drama fans nang aminin ni Son Ye Jin na si Hyun Bin ang kanyang first love.

Base sa ulat na inilabas ng Soompi, nangyari ang matinding rebelasyon ng Korean actress sa TV show na “You Quiz on the Block”.

Sa naturang show nga ay natanong si Son Ye Jin kung sino nga ba ang kanyang naging first love.

“My current love is my first love,” saad ng aktres.

Ang kasalukuyang boyfriend ni Son Ye Jin ay ang kanyang leading man na si Hyun Bin sa hit Netflix series na “Crash Landing On You” na ipinalabas noong 2019.

Tila fairytale nga kung ilalarawan ng mga fans ang love story ng dalawa na nagsimula lamang sa kanilang pagtatambalan ang lahat hanggang sa ma-develop ang feelings nila sa isa’t isa.

January 2021 nang aminin nina Son Ye Jin ay Hyun Bin ang kanilang relasyon kahit na walong buwan na silang exclusively dating.

Kuwento pa ng aktres, gusto pa rin niyang panghawakan ang ibinansag sa kanya bilang “The Nation’s First Love” hangga’t kaya pa niya.

“How much longer would I be able to hear people call me that? I do want to hear [the nickname] for as long as I possibly can, since I won’t be able to hear people say that kind of thing anymore once time has passed. [By then], I think people will come up with another nickname for me that suits my age,” pagbabahagi ni Ye Jin.

Ngayong taon nga nakatakda ang pag-iisang dibdib nila ni Hyun Bin.

Isang private ceremony ang nais ng dalawa na magaganap ngayong March 2022.

Related Chika:
Hyun Bin, Son Ye Jin ng ‘Crash Landing On You’ ikakasal na
Marian pangarap makatambal ang Korean actor na si Hyun Bin: Tapos si Dong yung kontrabida!

Read more...