Janine Gutierrez apektado nga ba sa pagiging mas malapit nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz?

Janine Gutierrez apektado nga ba sa pagiging mas malapit nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz?

TOTOO nga kaya ang chika na hindi pa rin daw nakaka-move on ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez sa kanilang break-up ng Kapuso star na si Rayver Cruz?

Ayon kasi kay ‘Nay Cristy Fermin, may mga narinig siya na hindi pa nakaka-get over ang dalaga sa naging relasyon nila ng aktor.

“‘Yung kay Janine, parang apektado siya kay Julie Anne. Magkasama si Julie Anne tsaka si Rayver sa ‘The Clash’. At ang balita, kahit wala na ang ‘The Clash’, magkasama pa rin sila palagi. May mga sighting na parang ganoon,” saad ng kolumnista sa kanyang digital show na “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika.

Aniya, may mga kwento raw na umiikot na apektado pa rin daw talaga ang dalaga.

“‘Yun ang kwentong umiikot. Affected pa rin si Janine Gutierrez hanggang ngayon. Siguro dahil hindi naman ganoong kadali ang lumimot. ‘Di ba lalo na kung ilang taon na kayong magkarelasyon, aabot ba kayo ng gano’ng ktagal kung ‘di ninyo mahal ang isa’t isa.

“At saka free ‘yung bata (Julie Anne), wala ring karelasyon. O, e kung laging nagsasama, naku, ‘yan ‘yung ano. Baka mauwi sa totohanan,” sey pa ni ‘Nay Cristy.

Samantala, matapos ang ilang buwan ay nagsalita na si Rayver ukol sa kanilang break-up ni Janine sa panayam niya sa “24 Oras”

“Walang third party,” giit ng aktor.

Dagdag pa nito, “Kinaklaro ko po na there was no third party involved especially on my end.”

Masaya naman na daw ngayon ang aktor sa kanyang buhay ar aminadong naka-move on ba sa nagtapos nilang relasyon ni Janine.

“Okay na ‘ko and naka-move on na ’ko. 2022 na eh, so masasabi ko na naka-move on na ‘ko and I’m happy,” pahayag pa ng aktor.

Related Chika:
Julie Anne sa pagkabigo sa pag-ibig: Bakit? Ako ba yung nagkulang, saan ako nagkamali?
Julie Anne umaming super close sila ni Rayver, pero walang malisya: He’s such a good friend
Rayver sumusumpang walang third party sa breakup nila ni Janine; nagkakamabutihan na ba sila ni Julie Anne?

Read more...