Trina Candaza may pasaring sa mga lalaking nag-iisip ng ibang babae

Trina Candaza may pasaring sa mga lalaking nag-iisip ng ibang babae

LAMAN na naman ngayon ng social media si Trina Candaza, ina ng anak ni Carlo Aquino na si Enola Mithi.

Marami kasi ang tila curious kung sino ang tinutukoy ng vlogger mom sa kanyang ibinahaging Instagram story.

Isang video ang ibinahagi ni Trina kung saan makikita ang isang ina na tila puyat na sa pag-aalaga sa kanyang baby habang mahimbing na natutulog ang asawang lalaki.

Saad niya, “Same age kay Mithi ‘yung baby. 8x gumising ‘yung mom to feed the nany. Kaya sa mga nagtatanong kung namumuyat pa ‘yung ganitong age, gumigising pa din sila ng ilang beses but milk lang okay na.”

Ngunit ang sumunod niyang tinuran ay pumukaw ng atensyon at nagpataas ng curiousity ng madlang pipol.

“‘Yung tatay ang himbing lang ng tulog tas pag gising ibang babae pa iniisip niyan,” dagdag pa ni Trina.

Muli tuloy nabuhay ang isyu sa pagitan nila ni Carlo Aquino, ama ng kanyang anak.

Matatandaang nitong nakaraang buwan nang umugong ang balitang naghiwalay na ang dalawa.

Mayroon ring kasing naunang cryptic post si Trina patungkol sa “partner” na may pinupuntahan na g ibang babae.

“You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya. Kung may pinupuntahan na agad na babae… Wag na kayo umasang mag babago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan mag babago,” sey ni Trina.

Dito na nagsimula ang mga hinala ng mga netizens na baka tuluyan na silang naghiwalay.

Wala namang kumpirmasyon mula sa dalawa kung ano nga ba ang estado ng kanilang relasyon.

January 2019 nang unang mapabalitang may something sa pagitan nina Trina at Carlo habang nali-link pa ang aktor kay Angelica Panganiban.

Ngunit tuluyan nang nakumpirma ang relasyon ng dalawa nang mag-post ng larawan ang aktor kasama si Trina.

2020 nang i-welcome nila ang kanilang cutie baby girl na si Enola Mithi.

Related Chika:
Carlo, Trina maayos ang usapan sa pagpapalaki, pag-aalaga kay Baby Mithi kahit hiwalay na raw
Trina Candaza kinarma raw dahil sa ginawa kay Angelica: Nanahimik ako para kay Carlo, pero wala akong inagaw

Read more...