Neri Miranda bumili ng condo para sa anak na si Miggy: Para habang bata pa, may negosyo na siya

Neri Miranda bumili ng condo para sa anak na si Miggy: Para habang bata pa, may negosyo na siya

MASAYANG ibinahagi ni Neri Miranda ang bagong investment na kanyang binili para sa 5-year-old son na si Miggy.

Sa kanyang Instagram story ay excited na nga siya na malapit nang matapos ang condo ng anak.

Aniya, dahil raw marami na ring natatanggap na endorsements ang kanyang anak ay inipon niya ang lahat ng kinikita nito para makabili ng investment na siyang pwede ring maging source of income.

Nais ni Neri na habang bata pa ang mga anak ay maturuan na nila ito na maging maalam sa paghawak ng pera.

“Para habang bata pa, may negosyo na siya. Tuturuan namin ang mga bata na maging financially literate. I think ayun ang dapat matutunan nating lahat kahit nung bata pa lang tayo eh,” saad ng wais na misis ni Chito Miranda.

Bagamat batid niya na mahalagang matutunan na agad ng madlang pipol ang financial literacy habang bata ay hindi naman masama kung late itong matutunan dahil ang mahalaga ay natutunan ito.

“Eto ang una niyang investment at negosyo. Diretso talaga sa bank account nya ang kikitain. Isang bedroom condo,” pagbabahagi pa ni Neri na nakuha niya noong preselling pa lang ito.

“Nagsstart palang maglakad si Miggy nun. May nag abot lang ng flyer sa akin… kinuha ko naman habang buhat buhat ko si Miggy nun,” chika ng wais na misis.

Ang panimulang bayad daw ni Neri ay nagmula sa endorsement ni Miggy mula sa baby products brand.

Sa Marso raw ay tiyak na tapos na ito at excited na siyang ibahagi ito sa mga netizens dahil plano niya itong parentahan.

 

Related Chika:
Chito tinuturuan nang maggitara si Miggy: Pretty soon, makakakanta na siya ng simple songs
Baby boy uli ang magiging anak nina Chito at Neri: May brother na si Miggy!

Read more...