Tali Sotto ikinumpara si Wally Bayola sa ‘squid’, Pauleen Luna natawa

Tali Sotto ikinumpara si Wally Bayola sa 'squid', Pauleen Luna natawa

MARAMI ang naaliw sa ibinahaging video ni Pauleen Luna sa kanyang Instagram kung saan bida ang anak na si Tali Sotto.

Sa naturang video ay makikita ang bata na tinitignan ang larawan na kuha sa simbahan noong ikinasal ang kanyang Mommy Pauleen at Daddy Vic.

“This is Tito Wally. He has no hair. He looks like a squid,” seryosong saad ni Tali habang turo-turo ang EB Dabarkads na si Wally Bayola.

Natatawang tanong ni Pauleen sa anak, “What? He looks like a what?”

“[He looks like] a squid because he has no hair,” muling sagot ni Tali.

 

 

Sa huli ay natawa rin ang bata sa kanyang tinuran sabay sabing “silly”.

Hindi naman mapigilan ng mga EB Dabarkads ang matawa at maaliw sa cute na cute na si Tali.

“Squid Ball,” comment ng official IG page ng longest noontime show na may kasama pang laughing emoji.

Puro laughing emojis naman ang comment nina Wynwyn Marquez, Ciara Sotto, at Maine Mendoza.

“Kids say the darnest thing hahaha, no filter talaga ang mga bata, they say ascthey see it. Super cute ka talaga Tali,” saad ng IG user na si theresabegin.

Isang netizen naman ang sumang-ayon sa anak ni Bossing Vic at nagabing, “Hahahaha! Tama naman ah! May squid ba na may buhok?”

Related Chika:
Pauleen may tanging dasal para kay Tali; pinuri ang pakikipag-usap ng anak sa security guard
Hirit ni Tali Sotto sa kanyang mommy Pauleen: Kuya Vico looks like daddy!

Read more...