Rayver sumusumpang walang third party sa breakup nila ni Janine; nagkakamabutihan na ba sila ni Julie Anne? | Bandera

Rayver sumusumpang walang third party sa breakup nila ni Janine; nagkakamabutihan na ba sila ni Julie Anne?

Ervin Santiago |February 17,2022
facebook
share this

Rayver sumusumpang walang third party sa breakup nila ni Janine; nagkakamabutihan na ba sila ni Julie Anne?

Ervin Santiago - February 17, 2022 - 11:51 AM

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

“WALANG third party.” Ito ang ipinagdiinan ng Kapuso TV host-actor na si Rayver Cruz tungkol sa paghihiwalay nila ni Janine Gutierrez.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na si Rayver hinggil sa biglaan at pinag-usapang break-up nila ng ex-girlfriend.

“Kinaklaro ko po na there was no third party involved especially from my end,” ang pahayag ni Rayver sa panayam ng “24 Oras” kahapon pero hindi na nagdetalye nang tanungin kung ano talaga ang rason ng kanilang paghihiwalay.

Ayon pa sa binata, naka-move on na siya sa nasirang relasyon nila ni Janine at masaya naman daw siya sa kanyang buhay ngayon. 

“Okay na ‘ko and naka-move on na ’ko. 2022 na eh, so masasabi ko na naka-move on na ‘ko and I’m happy,” pahayag pa ng aktor.

Dagdag pa ni Rayver, totoong-totoo talaga ang matandang kasabihang  “time heals all wounds” at napakarami rin niyang natutunan sa pagkabigo at “pain” na dulot ng kanyang past relationships.

Samantala, ramdam na ramdam naman ng kanilang fans na parang may “something” na sa pagitan nina Rayver at Julie Anne San Jose.

Kilig na kilig ang mga supporters ng tambalang JulieVer sa palitan ng mensahe ng dalawang Kapuso stars nitong nagdaang Valentine’s Day. At feeling nila more than friends na ang turingan nila sa isa’t isa.

View this post on Instagram

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)


Nag-post si Rayver last Feb. 14, sa Instagram ng kanyang video habang nagpapatugtog ng gitara at kumakanta ng “Make It With You” ng iconic band na Bread.

Ayon sa lyrics ng kanta, marubdob ang kagustuhan ng lalaki na makasama forever sa kanyang buhay ang babaeng minamahal.

Ang maiksing caption ni Rayver sa video, “Happy Valentine’s Day.”

In fairness, isa sa mga unang nag-comment sa video ng Kapuso actor at TV host ay ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose.

“Galing galing naman,” mensahe ni Julie Anne with matching white-lined heart at Halloween emojis.

Sinagot din ito agad ni Rayver gamit ang heart emoji at isang spider emoji, “@myjaps hi happy Vday hehe.”

At nireplayan uli ito ni Julie Anne kalakip ng pumpkin at heart emojis, “@rayvercruz happy vday.”

Kaya naman marami ang nagsasabi na mukhang nag-level up na nga ang relasyon ng dalawa at hindi lang basta magkaibigan o magkatrabaho sa mga show ng Kapuso network.

Comment nga ng isang netizen, “Umamin na kayo ng makapag pa lechon na ako!”

“Ayan na! Malapit nang umamin yarn! Gogogo JulieVer! You deserve to be happy. Sana nga kayo na ang itinadhana! Bagay na bagay! Road yo forever!” sey naman ng isang fan.

Napansin din ng mga netizens ang tila term of endearment ng rumored couple para sa isa’t isa — ang “pumpkin” at “spideyness.”

Noong January 28, ginamit ni Rayver ang spider at white-lined heart emojis sa reply niya sa post ni Julie Anne.

Sa palitan naman nila ng post noong Feb. 6, makikitang nagtawagan uli ng “pumpkiness” at “spideyness” sina Julie at Rayver na ikinakilig talaga ng kanilang supporters dahil feeling nila malalim at may ibig sabihin na ito sa dalawa.

Aminado naman si Julie Anne na talagang espesyal ang friendship nila ni Rayver. Bukod sa Kapuso reality singing search ng GMA na “The Clash”, magkasaman rin sila sa weekly noontime show na “All-Out Sundays.”

“We’ve always been close. Sobrang close po talaga namin ni Rayver. We enjoy each other’s company. Sobrang okay talaga kaming dalawa,” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Si Rayver best friends talaga kami niyan. We’ve been close for a very long time na. Actually, isa talaga siya sa mga taong nakakaintindi sa akin, isa siya sa mga taong napakukwentuhan ko ng ano na meron sa akin, kung ano ‘yung problema ko, pinagdadaanan ko like matters of heart, family,” pahayag ng singer-actress at TV host.

Julie Anne sa posibilidad na maging sila ni Rayver: Masaya naman maging masaya, si Lord lang ang nakakaalam ng lahat

Rayver, Julie Anne iwas na iwas sa panunukso nina Pokwang at Pekto, pero may pasorpresa sa fans

Julie Anne sa pagkabigo sa pag-ibig: Bakit? Ako ba yung nagkulang, saan ako nagkamali?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending