MARAMING netizens ang nagbunyi dahil mukhang olay na ang mag-asawang sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Sa isa sa mga Instagram posts ni Carla kung saan ibinahagi nito ang ilang litrato mula sa kanyang photoshoot ay makikitang nag-iwan ng comment si Tom Rodriguez.
“I love you!” saad nito na may kasama pang tatlong red heart emoji.
Umabot naman ng mahigit 1k ang heart reactions ng comment ni Tom sa post ng asawang si Carla.
Matatandaang isa sa mga mainit na pinag-uusapan kamakailan ang newlywed couple dahil sa chikang hiwalay na raw agad ang dalawa tatlong buwan matapos silang ikasal.
Kaya naman sobrang happy ng mga tagasuporta ng mag-asawa dahil mukhang maayos na silang dalawa.
“OMG finally sila rin. Love this couple ever since. God is good,” saad ng isang netizen.
Sey ng isa pa nilang supporter, “”Huwag na huwag kayo mapagid sa isa’t isa. Pagsubok lang yan sa inyong dalawa… always choose to forgivr each other so that love always win in your heart. I love you both and I am such a big fan of the two of you.”
Sabi naman ni suhokim19, “Maniniwala na ba ako ulit sa poreber!!?”
Ngunit tila deadma lang naman ang aktres na si Carla sa comment ni Tom dahil kahit pag-puso sa comment ng asawa ay hindi ginawa ng aktres.
Pansin rin ng mga netizens na wala pa ring suot na wedding ring sa mga larawan ang aktres.
Comment ni mia_w89, “It breaks my heart each time I see your picture without your wedding ring, Carla. I want to hate Tom for whatever he did to ruin this beautiful you have… I really do.”
Saad pa ni itselliekim_, “No ring in sight. I’m starting to think Tom saying ‘i love you’ is just a publicity stunt. It may seem swet but I can’t help but wonder, are they really okay? Or they’re just pretending for the public? Don’t get me wrong. I lovr TomCar and I’m a fan of Rosalinda (Carla’s character). I just don’t want to keep my hopes up just to be heartbroken.”
Wala pa rin namang pahayag ang dalawa ukol sa kontrobersyang kanilang kinasasangkutan.
Related Chika:
Barbie, Jak deadma na sa fake news; Erin ipinakilala ang real dyowa
Vice Ganda may hugot sa ‘kind things’; deadma sa pasabog ni Direk Bobet