Xyriel Manabat tinupad ang naudlot na 2021 bucket list

Xyriel Manabat tinupad ang naudlot na 2021 bucket list

KAMUNTIKAN naming hindi makilala ang dating childstar noon na si Xyriel Manabat na edad 18 na pala ngayon palibhasa matagal na siyang hindi napapanood sa mga teleserye at pelikula.

Sumikat si Xyriel sa mga Kapamilya shows na “Momay” (2010), batang Madam Anna Manalastas ng “100 Days to Heaven” (2011) at batang Ivy Aguas ng “Wildflower” (2017). Huling TV appearance niya ay nang mag-guest siya sa “Magandang Buhay” noong 2020.

Dalagang-dalaga na ngayon si Xyriel nang madaanan namin ang kanyang Instagram. May pinost siyang mga larawan at video habang isinasagawa ang derma piercing na nilagay sa dibdib niya.

Ang caption ng dalaga, “Achieving my ‘naudlot’ December 2021 bucket list…”

Ang daming nagulat din kay Xyriel na base sa mga komentong nabasa naming ay, “ang laki na ni Xyriel, ang laki mo na talaga crush, sobrang pretty.

“Ako ang nasasaktan sa ‘yo (paglalagay ng piercing) at may mga nagsabing bagay sa kanya at ang ganda.”

At may post na naka-call sign na ang caption ay, “Thanks jowa.”

Nag-react naman ang kasabayan at kaibigang si Andrea Brillantes, “Nice, pinagpalit ako sa malapit kala ko tayo mag jowa???

Pinatulan naman ito ni Xyriel, “@blythe let me explain babe.”

Sabi naman ng netizen nasi @loweth_s, “@blythe marami nasasaktan sa maling akala”

Sabi pa ni @xyrielmanabat_, “Naki callsign lang aq.”

Anyway, wala namang post si Xyriel kung ipinagpatuloy niya ang pag-aaral niya dahil puro pamamasyal at product endorsements ang laman ng IG account niya.

Related Chika:
Ivana ‘2021 Top Content Creator’ ng YouTube sa Pinas; kapatid na si Hash Alawi waging-wagi rin
Marian: Sobrang wish kong makilala si Gal Gadot, sana mami-meet ko siya!

Read more...