Andi nilinaw na hindi siya buntis: That’s my postpartum bump, dear

Andi nilinaw na hindi siya buntis: That's my postpartum bump, dear

LABIS ang excitement ng actress at vlgger na si Andi Eigenmann sa kanyang muling pagbabalik sa kanilang tahanan sa Siargao Island.

Ilang linggo ring namalagi sa Maynila ang actress-vlogger kasama ang mga anak buhat nang lumuwas sila para um-attend ng kasal sa Batangas dahil naunsiyami ang kanilang pag-uwi dahil sa pananalasa ng bagyong Odette.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Andi ang kanyang mga litrato na kuha sa isla kasama ang kanyang pananabik na makabalik sa kanilang tahanan.

“After all, it is still this life I yearn for and dream about everyday. Can’t wait to come home,” saad niya.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang naturang post ni Andi na karamihan ay puro paghanga at pagsuporta sa social media influencer.

 

 

“You inspired me! Walang tatalo sa probinsyang buhay sa ating lupang sinilangan,” comment ng isang netizen.

Bukod sa pagpuri kay Andi at ganda ng Siargao, may iba pang napansin ang ilang netizens.

“Baby bump,” saad ng IG user na si yenantipuesto.

Agad namang nilinaw ni Andi na hindi ito baby bump at hindi siya buntis.

“That’s my postpartum bump, dear,” sagot niya na may kasamang laughing emoji.

Humingi naman ng tawad ang IG user at sinabing excited lamang siya sakaling bumtos ulit si Andi.

“Sorry mommy. Happy lang naman po at na excite sana if merong new baby, sorry po talaga,” hinging paumanhin ng netizen.

Isang netizen naman ang naka-relate sa ina nina Ellie, Lilo, at Koa sa pagkakaroon ng postpartum bump.

“I have the same and proud of it. Building a family, having children are the best thing that happend in my life. And I can sure see that in you too andi, i can feel your happiness

Nitong Enero plant nang mag-celebrate ng 1st birthday si Koa, ang bunsong anak ni Andi.

Related Chika:
Angeline ibinandera ang baby bump: From our family to yours, happy 2022!

 

Read more...