Lolit Solis nanghinayang na walang special someone si Kris sa kanyang birthday: Sayang dahil akala ko pa naman…

Lolit Solis nanghinayang na walang special someone si Kris sa kanyang birthday: Sayang dahil akala ko pa naman...

KAARAWAN ni Kris Aquino sa Pebrero 14 at edad 51 na siya. Advance na siyang binati ng talent manager at kaibigan niyang si Manay Lolit Solis via Instagram account na inakalang may makakasama siya sa Araw ng mga Puso.

Ayon kay Manay Lolit, “Gusto ko batiin Happy Valentine Birthday si Kris Aquino, Salve.

“Akala ko pa naman meron na siyang magiging partner ngayon Valentine na tamang tama dahil birthday din niya, pero iyon na nga, na discover niya na hindi karapat-dapat para sa kanya si Mel (Sarmiento) na mukha lang nagamit pa siya dahil sa relasyon nila.

“Sayang dahil akala ko pa naman heto na ang perfect match kay Kris, perfect time dahil emotionally mature na siya at tamang tama na panahon na kailangan niya ng someone sa tabi niya.

“Mahirap talaga makipag sabayan kay Kris pag hindi ka prepared to take the risk na ma over shadow niya dahil sa lakas ng presence niya, plus the fact na siyempre Kris Aquino nasa limelight ka lagi. Pag mahina ang presence mo talagang wala kang laban. At pag mahina personalidad mo, tatalunin niya.

“Pero iyon na si Kris, hindi na mababago, kaya dapat umpisa pa lang tanggap na ng liligaw sa kanya.”

At biglang naalala ni Manay Lolita ng ex ni Kris na si dating QC Mayor Herbert Bautista na kumakandidatong Senador.

“Palagay ko nga bagay sila ni Herbert Bautista dahil may sarili din career si Herbert.

“Nuon panahon ni James Yap equal din sila sa kinang dahil basketball superstar si James. Dapat talaga equal ang kinang ng lalaki sa kinang ni Kris Aquino.

“At para magtagumpay ang relasyon nila, kayanin ng partner ni Kris pati ang mental excellence nito. Mahirap talaga.

“Pero siguro naman at this point hindi na naghahanap ng lovelife si Kris. Ok na siya sa piling nila Joshua at Bimby, plus dapat talaga nasa perfect shape ang kanyang health.

“Basta the BEST for Kris, at happy siya sa birthday niya. Araw ng mga puso, bagay sa isang mapusong tao na tulad ni Kris Aquino. Happy Birthday Krissy, all the best!”

Related Chika:
Lolit Solis out na bilang talent manager ni Mark Herras; ibinunyag na may malaking cash advance sa GMA7
‘Wowowin’ choreographer naghahanap ng bagong dancers; AMBS bukas na sa mga ‘aspiring talents’

Read more...