UNANG beses makatrabaho nina Julia Barretto, Marco Gumabao at Xian Lim ang premyadong director na si Brillante Mendoza sa pelikulang “Bahay na Pula” at inamin nila ang kani-kanilang kakaibang experiences.
Ayon kay Marco ay unang beses siyang na-intimidate sa isang director dahil sa kawalan ng script.
“I don’t know what to expect dahil walang script. Tama ba ang ginagawa ko? Kaming tatlo (nina Julia at Xian) face the fear of not having a script we just trusted direk kung ano ‘yung directions ni direk, we just follow them.
“At saka naging maganda ‘yung ano (style) kasi naging collaboration because direk gave us the freedom to do what the character would do. So, nakakatuwa kasi feeling mo may pagka-direktor ka rin as an artist,” kuwento ni Marco.
Sa tanong naman kung ano ‘yung memorable at challenges nan a-experience ni Marco while doing the “Bahay na Pula”.
“Kung paano ko tsinalens ‘yung takot ko the first time you step in sa ‘Bahay na Pula’ was mararamdaman mo talaga na may something doon, hindi ko alam kung spirit o kung anuman. Basta meron.
“So ako may eksena ako ro’n na nandoon ako sa pinakailalim na parte ng bahay at first time ko talagang tumayo ‘yung balahibo ko na parang sabi ko na, meron talaga rito. May something talaga na nandoon kung nasaan kami. Buti na lang marami kami doon sa set kaya hindi ako masyadong natakot.
“Ang memorable naman para sa akin ay yung bonding naming nina Xian, Julia nina direk at ‘yung kuwentuhan naming about the film and also outside the film, and first to shoot in Pola, Mindoro na first time naming mag-shoot which is also a very beautiful place. Overall sobrang saya ng shooting experience naming,”pahayag ng aktor.
Habang isinasagawa ang zoom mediacon ng “Bahay na Pula” ay biglang may mga maririnig na sounds na hindi mawari kung ano kaya nagkatakutan na baka raw sinundan ang cast sa pagbalik nila ng Maynila mula sa nasabing bahay na mahigit 10 years nang hindi nabuksan at kaya lang binuksan ay dahil magso-shoot sina direk Brillante.
Paano mapapaniwala ni Marco na nakakatakot talaga ang pelikulang ginawa nila na gayun din ang mararamdaman ng viewers kapag pinapanood ang “Bahay na Pula” at naniniwala ba ang aktor na posibleng sinundan sila ng hindi nakikita nila pag-uwi nila.
“Naniniwala ako na kapag nagso-shooting kayo in a haunted place, feeling ko nagugulo ‘yung ibang mga espiritu doon.
“Kasi sa unang horror film (Aurora 2018) na ginawa ko na idinirek ni Yam Laranas, nag-uusap-usap kaming cast doon sa place na parang haunted talaga biglang right on cue, nagsarado ‘yung pintuan na walang tao.
“So naniniwala ako na kapag pinag-uusapan n’yo ang isang bagay tapos nandoon kayo sa isang lugar na alam mong may multo magpaparamdam at magpaparamdam talaga sila.
“Pero pagdating dito sa Bahay na Pula pagpasok palang naming at mamimili kami ng kuwarto kung saan kami matutulog, doon palang mararamdaman mong may nararamdaman na kami kaagad na hindi na lang naming pinapansin, first day namin kaya ayaw naming magtakutan,” pagkukuwento ni Marco.
Samantala, ilang araw na lang at Araw ng mga Puso na ano ang plano ni Marco Gumabao?
“Wala naman po akong girlfriend so next question please?” tumawang sabi ng aktor.
Sabay sabing, “Pupunta akong Zambales, I’ll be with my mom. May kailangan lang asikasuhin together with the family. Hays, walang sawang tanong every year kung ano ang gagawin ko tuwing Feb 14.”
Anyway, mapapanood na ang “Bahay na Pula” sa Pebrero 25 sa Vivamax produced ng Viva Films.
Related Chika:
Marco umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Ivana; nagpaalam kay Jake bago ‘chinurva’ si Kylie
Xian pinaglaruan ng multo habang nagsu-shooting ng ‘Bahay Na Pula’: Ano kaya ang ibig sabihin nito?