Regine Velasquez nagpaka ‘Marites’ na naman, Kyle Echarri damay rin

Regine Velasquez nagpaka 'Marites' na naman, Kyle Echarri damay rin

MARITES mode na naman ang ganap ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez bagay ma hindi naiwasan ng batang aktor na si Kyle Echarri.

Sa Instagram post ng actress-singer ay ibinahagi niya ang larawan na tila pagbubulungan nila ng aktor na para banf may bagong chismis na nasagap si Ate Reg na ini-ispluk sa binata.

“Sa jsang banda, ‘yung hindi mo ba rin maitago ‘yung pagka Marites mo,” saad ni Regine na may hashtag pang “#MaritesInAction”.

Naaliw naman ang mga netizens sa naturang post ng mangangawit.

Saad ng isa sa kanyang mga followers, “Sa lahat ng Marites, ikaw po talaga ang peyborit ko, for all generation ang aksyon.”

“Marites rin ako pero di ako ganyan kaganda like ang unfair,” sabi naman ng isang netizen.

Sey naman ng isa pang IG user na si @yourstrulyprincess, “parang kasexyhan mo ate hindi ko maitatago!!! Diet reveal teh alindog mo!!”

“Ang sexy mo Ate!!!!! Un ung unang mapapansin! Jusko liit ng braso! Pero wahahahahahahhaha marites yern?” dagdag comment pa ng isang netizen.

Samantala, kamakailan naman ay nahaharap ang kasama ni Regine sa litrato na si Kyle sa isang kontrobersya.

Ito ay matapos niyang mag-upload ng larawan nila ng kanyang mga kaibigang sina Andrea Brillantes at Darren Espanto habang nakahiga sa kama.

Marami kasi ang mga nagbigay malisya sa larawan dahil topless si Kyle. Agad naman niya itong dinelete subalit huli na ang lahat dahil marami na sa mga netizens ang nakapag-screenshot nito.

Hanggang ngayon ay tahimik pa rin si Kyle ukol sa isyung ito.

Related Chika:
Angel tinawag na ‘Marites’ ng netizens dahil sa pambubuking ni Kris
Fans ni Andrea sinisi ang nanay ni Francine; Kim ‘malungkot’ sa pagpasok ng 2022
#Anyare: Zsa Zsa biglang napaiyak pagkatapos kumanta kasama sina Regine at Angeline

Read more...