Fans ni Andrea sinisi ang nanay ni Francine; Kim 'malungkot' sa pagpasok ng 2022 Bandera

Fans ni Andrea sinisi ang nanay ni Francine; Kim ‘malungkot’ sa pagpasok ng 2022

Alex Brosas |January 18,2022
share this

Fans ni Andrea sinisi ang nanay ni Francine; Kim ‘malungkot’ sa pagpasok ng 2022

Alex Brosas January 18, 2022 - 09:21 AM

Xian Lim and Kim Chiu; Andrea Brillantes at Francine Diaz

KUMAWALA ang pagiging “Marg”  ani Andrea Brillantes when a basher reacted on her post recently.

Tinarayan ni Andrea ang pagiging Marites ng basher who commented on her TikTok page.

“Usap muna bago drama, sis,” say ng basher.

Agad-agad naman ang sagot ni Andrea who said, “Ikaw na chismosa ka, ‘wag kang umasta na parang alam mo lahat at alam mo kung bakit ako nagdadrama. ‘Yan ang problema sa inyong mga chismosa, eh.”

Todo naman sa pagtatanggol ang fans ni Blythe.

“Yung ikaw na agrabyado tapos papalabasin pa na di validate feelings mo at ikaw pa palalabasin na may kasalanan sa storya.”

“Good job Andrea. Ganyan dapat, supalpalin ang mga pakialamerang Marites.”

“YAN, PAKIALAMERANG PALAKA KSE.”

May isa namang mahadera ang nandamay pa sa tahimik na nanay ni Francine Diaz.

“Sa totoo lang NANAY ni FRANCINE DIAZ ang nagsimula ng lahat ng issue nato! Porket yung anak nya iniwan na ni KYLE kaya eto nagpost sya ng picture ni Francine & Seth na magkatabi sa bahay pa nila mismo, alam nilang malakas ang franseth kaya malaki ang chance na mag trending ang gagawin nila kahit alam nilang may ka love team na si Seth. 

“Baka sila din may pakana ng pag post sa poser KUNO ni Francine daw na may 6.7Million followers baka sila din admin don. Tapos mga fans ni francine diaz sila pa yung mga galit na galit? Kala mo sila yung inapi?

“Sila na yung naninira ng love team sila pa mga galit na galit? Ganyan din ginawa nyo kay KYLE ginamit nyo lng din tas mga feeling victim kala mo inapi idol nila e halatang planado ng DIAZ FAMILY yan!”

‘Yan ang say ng mahaderang fan ni Andrea.

Nagkaroon ng issue kina Francine at Andrea nang maglabasan sa social media ang photo ni Seth Fedelin na kasama ang pamilya ni Francine.  Bukas ang BANDERA para sa magiging paliwanag ni Francine at ng kanyang nanay tungkol sa isyung ito.


* * *

Parang hindi masyadong masaya si Kim Chiu sa pagpasok ng Bagong Taon.

Sa kanyang latest Instagram post, kitang-kita ang kanyang lungkot sa entry niya titled “Life lately”.

“Kinda slow start for 2022. Waiting and…. still waiting for this pandemic to be over again and again. I guess we have to live like this. 

“But my hopes are high for change coz the Year of the Rat in the Chinese zodiac (the year of hiding2020) year of the OX (secret friend of Rat2021) is almost done.  Year of the Water Tiger is coming I hope it will vanish all these fears we had and roar for a brighter 2022 as we open it this Feb 1,” say ng “It’s Showtime” host.

Aminado si Kim na hindi na siya masyadong nagpo-post ng vlog sa kanyang YouTube channel.

“For those asking about my new vlog. I’ll be back soon. medyo off lang lately, but i’ll be back. Thanks for those asking and sa mga nag aabangan every Sunday 8pm,” say pa ng dyowa ni Xian Lim.

Sa kanyang isang Instagram post ay kitang-kita naman ang happiness ni Kim habang umuulan. 
Kuha ni Xian ang video na ipinost ni Kim sa kanyang IG account.

“Pa-delubyo na po. Basang basa na ako. Basang basa na ako,” say naman ni Xian habang kumukuha ng video.

“Behind every dreamy video is…… WAIT FOR IT! watch till the end!!!! BTS included!!!

“Always thankful for you @xianlimm hahaha lakas ng ulan at hangin! #forthereels,” say naman ni Kim sa kanyang caption.

Andrea Brillantes sinupalpal ang basher: Huwag kang umasta na alam mo lahat

Totoo ba ang chika, Andrea sinugod daw si Francine sa dressing room dahil kay Seth?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending