Manny Castañeda kinampihan si Toni; tinawag na palaaway, bastos ang mga 'pinklawan' | Bandera

Manny Castañeda kinampihan si Toni; tinawag na palaaway, bastos ang mga ‘pinklawan’

Therese Arceo - February 10, 2022 - 05:37 PM

Manny Castañeda kinampihan si Toni; tinawag na palaaway, bastos ang mga 'pinklawan'

UMALMA ang direktor na si Manny Castañeda laban sa madlang pipol na pilit nagka-cancel sa TV host-actress na si Toni Gonzaga.

Umaapaw na kasi ang mga batikos na natatanggap ng TV host-actress matapos siyang maghayag ng suporta at maging host ng naganap na proclamation rally nina Ferdinand “Bongbong” Marcos at ng running matd nitong si Davao City Mayor Sara Duterte na ginanap sa Philippine Arena noong February 8.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)

Pagdepensa ni Direk Manny sa kanyang social media post, marami daw mga attista na kagaya ni Toni ang hindi boboto kay Vice President Leni Robredo pero tahimik lamang daw ang mga ito.

“Tulad ni Toni Gonzaga, maraming mga artista at mga taga showbiz ang hindi boboto kay Leni Robredo pero tahimik lamang sila dahil sa mga pinklawan na masyadong agresibo, palaaway at saksakan ng bastos,” saad ng direktor.

“At kapansin pansin din na lalong dumadami ang mga artista na umaayaw kay Leni dahil sa mga masasamang ugali ng mga pinklawan,” dagdag pa ni Direk Manny.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing post ng direktor.

“Sa trabaho give and take pareho lang sila nag tulungan.. kundi dahil sa talent ni toni hindi kikita ang kumpanyang pinag sisilbihan nya remember si toni nga pala ang host na ngpasikat sa pbb.. so patas lang naman hindi habambuhay nandoon ka sa trabahong pinagtratrabahuhan mo at pinakinabangan ka pinakinabangan mo lang din sila.. patas lang tapos..” saad ng isang netizen sa post ni Direk Manny.

“Check po. Pero to be fair marami din namang bastos sa kabilang camp, hindi lang naman sa kanila. Ayoko talaga ng mga nagmumura in public regardless of the reason. Pasensya na po,” comment naman ng isa pa.

On point rin naman ang sey ng isa pang FB user, “Hindi naman po kasi magandang tingnan na iniendorso pa niya ung taong nanguna sa pagpapasara ng kumpanyang nagpapasweldo sa kanya.

Saka yan po ang mali sa mga artista natin, kung meron silang gustong iendorsong kandidato na pinaniniwalaan nila dapat mag-ingay sila. Sayang ang impluwensya nila kung ganyan na tatahimik sila.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey naman ng isa, “Maraming patango-tango at pangiti-ngiti lang sa mga ‘yan para iwas-gulo pero pag halalan na, doon ilalabas ang tunay na gusto.”

“Ganoon din ka-rabid ang mga pro-Marcos. Mas masahol pa,” pahabol pa ng isang netizen sa post ni Direk Manny.

Related Chika:
Toni basag na basag sa mga haters dahil sa politika: Nakakabastos naman kasi talaga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending