Pasabog na bikini photos ni Jessy hot na hot sa socmed, Luis nag-react: AYYYYYYY, GRABE! | Bandera

Pasabog na bikini photos ni Jessy hot na hot sa socmed, Luis nag-react: AYYYYYYY, GRABE!

Ervin Santiago - February 07, 2022 - 01:24 PM

Jessy Mendiola

NAPA-WOW at napanganga ang ilang netizens nang bumandera sa social media ang mga paandar na bikini photos ni Jessy Mendiola.

Pasabog ang bagong photoshoot ng misis ni Luis Manzano kung saan nag-transform ang aktres bilang isang super sexy cowgirl.

Ibinahagi ni Jessy sa Instagram ang ilang kuha sa kanyang pictorial at makikita nga rito ang aktres at vlogger sa iba’t ibang anggulo suot ang seksing-seksing white swimsuit with matching cowboy hat and boots.

Dito ibinandera ng aktres ang kanyang super sexy and fit body na talagang pinaghirapan niya nang ilang buwang pagwo-workout at tamang diet.

Ani Jessy sa caption, “Giddy up. It’s been a long time since I had a photo shoot like this.”

Ang sabi pa ng asawa ni Luis, ang ginawa niyang sexy pictorial ay ang  tinatawag niyang “last hurrah” bago siya mag-celebrate ng 30th birthday.

“Muntik nang hindi ma-post ito,” ang chika pa ni Jessy kasabay ng pagpapasalamat sa production team na naging bahagi ng bago niyang project na siya ring nag-encourage sa kanya na ituloy ang photoshoot.

View this post on Instagram

A post shared by Jessy Mendiola- Manzano (@senorita_jessy)


Sandamakmak na fire emojis ang nakuha ni Jessy mula sa kanyang mga friends and supporters kabilang na riyan ang ilang celebrities tulad nina Max Collins, Xander Angeles, KC Concepcion, Iza Calzado, Alex Gonzaga at marami pang iba.

Pero siyempre, isa sa unang-unang nagkomento sa post ni Jessy ay ang asawang si Luis. Sey ng TV host at comedian, “AYYYYYYYYYYYYYY GRABE!” at sinundan pa ng, “Pauwi na po ako.”

Matatandaang hinirang din si Jessy bilang FHM’s Sexiest Woman in the Philippines ilang taon na ang nakararaan at kasagsagan ng kanyang career. 

Sa isa niyang YouTube vlog, nabanggit ng aktres na hangga’t maaari ay hindi na siya gagawa ng sexy o daring roles dahil may asawa na siya.

“‘Yung huling soap na ginawa ko, ‘yung Sandugo, I talked to the director tapos sabi ko sa kanya, ‘Direk, I would rather go all out na kontrabida, ‘yung mang-aapi, ‘yung sobrang sama, ‘yung may ulterior motive, but please pass na ako sa kissing scenes, sa love scenes.’

“Hindi naman sa nag-iinarte but it’s more of like nagawa ko na siya since I was 16. Hindi naman kissing scenes, love scenes, pero ‘yung nagpapa-sexy na,” paliwanag ni Jessy.

Pero nilinaw naman ng aktres na never siyang pinagbawalan ni Luis na magpaseksi sa mga susunod niyang projects kahit pa mag-asawa na sila.

“Hindi ako pinipigilan ni Luis. It’s more of me, it’s a decision I made a few years ago and so far so good naman,” paliwanag ni Jessy.

Ikinasal ang celebrity couple sa isang intimate ceremony sa Batangas noong February, 2021.

https://bandera.inquirer.net/293594/jessy-ayaw-nang-makipaghalikan-sa-serye-at-pelikula-pinagbawalan-ba-ni-luis

https://bandera.inquirer.net/294928/jessy-umaming-may-attitude-nakatanggap-rin-ng-indecent-proposal

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/299614/jessy-nakiusap-sa-haters-sana-wag-nating-i-crucify-ang-isang-tao-dahil-lang-mali-yung-sinabi-niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending