Sumusumpa ako na inosente si Hubert Webb | Bandera

Sumusumpa ako na inosente si Hubert Webb

- April 29, 2010 - 02:38 PM

Target ni Tulfo by Mon Tulfo

NASAAN ang specimen ng semilya na nakuha sa isang rape-murder victim noong June 30, 1991?
Nawawala raw ang specimen ng semilya na nakuha kay Carmela Vizconde, ang 18 anyos na babae na ginahasa bago pinatay sa karumal-dumal na krimen na tinaguriang “Vizconde Massacre.”
Importante ang semen specimen dahil ito ang pagbabasehan ng request ni Hubert Webb, isa sa mga akusado, na ikompara ang DNA ng kanyang semilya sa DNA ng semilya na nakuha kay Carmela Vizconde.
Sa modernong teknolohiya at siyensiya, nalalaman ang DNA ng isang tao kahit sa hibla ng kanyang buhok.
Kung sa hibla ng buhok ay nalalaman ang DNA ng isang tao, mas lalo sa kanyang semilya.
Sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi isinauli ni Paranaque Judge Amelita Tolentino ang semen specimen na noon ay ginawang ebidensiya.
Si Tolentino ay associate justice ng Court of Appeals ngayon. Inapoint siya sa kanyang puwesto matapos niyang sentensiyahan sina Webb at ang mga kasamahang akusado.
Bakit hindi isinauli ni Tolentino ang ebidensiya matapos na iprinisinta ito sa kanyang korte habang dinidinig niya yung kaso?
Dapat siya ay panagutin sa kanyang di pagsauli ng ebidensiya sa NBI.
Nakalimutan ba niya o sadyang di niya isinauli?
* * *
Noong kasagsagan ng trial ng mga suspects sa Vizconde massacre, Webb through his lawyer asked Tolentino’s court to have his semen subjected to a DNA test at ihambing ito sa DNA ng semilya na nakuha sa ari ng biktima.
Pero hindi siya pinagbigyan ni Tolentino.
Bakit?
At bakit ibinasura rin ni Tolentino ang testimonya ng US State Department na nasa America nga si Hubert Webb nang naganap ang karumal-dumal na krimen sa Pilipinas?
It was probably the first time na tumestigo ang gobyerno ng Estados Unidos sa isang criminal case sa ibang bansa.
Alam ba ninyo ang gusto ni Tolentino? Papuntahin si Madeleine Albright, na noon ay US Secretary of State, upang personal na tumestigo mismo sa kanyang korte!
Hello! Bakit naman gagawin ni Albright, na noon ay pinakamataas na opisyal ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo, na pumunta sa Pilipinas upang tumestigo para kay Webb?
At alam ba ninyo na mismong si Supreme Court Justice Antonio Carpio, na noon ay presidential legal adviser to President Ramos, ay tumestigo rin na nandoon si Webb sa America nang maganap ang masaker?
Binalewala rin ni Tolentino ang testimonya ni Carpio, sampu ng aking testimonya at ng ibang defense witnesses, dahil gusto niyang pagbigyan ang publiko na humihingi ng dugo ng mga akusado.
Kahit na hindi alam ng publiko ang puno’t dulo ng kaso, hinusgahan agad ng taumbayan ang mga akusado dahil lamang na sila’y mga anak ng mayayaman at ma-impluwensiyang tao gaya ni Sen. Freddie Webb.
Hindi ko nilalahat, pero nakita ko ang kawalan ng pag-iisip ng taumbayan sa mga kontrobersiyal na bagay-bagay—gaya halimbawa sa pagpili ng mga lider—sa Vizconde Massacre trial.
At ano ang aking basehan at tiyak kong walang kasalanan si Hubert Webb?
Hindi ako magsasawang paulit-ulit na sabihin na ako’y pumunta sa America upang mag-imbestiga tungkol sa sinabi ni Hubert na siya’y nasa US noon.
Matagal din akong naging police reporter at alam ko ang pamamaraan ng imbestigasyon at paghanap ng katotohanan.
It’s unprofessional and unethical of a columnist like me to swear (sumumpa) on his word, pero gagawin ko na ito: I swear by my father’s grave on Hubert Webb’s innocence.
Kapag nagtugma ang DNA sa semilya ni Hubert sa DNA ng semilya na nakuha kay Carmela—na ang ibig sabihin ay talagang kasama siyang gumahasa sa biktima– magbibitiw na ako bilang kolumnista at mag-retire na lang sa aking farm sa Palawan.
At dahil sa kahihiyan, magiging ermitanyo ako at hindi magpapakita sa ibang tao.
Ganoon ako katiyak sa pagiging inosente ni Hubert Webb.

Bandera, Philippine News, 042910

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending