Kylie alam na alam kung paano pakakalmahin si Jake: Kailangan mo lang siyang pakainin... | Bandera

Kylie alam na alam kung paano pakakalmahin si Jake: Kailangan mo lang siyang pakainin…

Ervin Santiago |January 26,2022
facebook
share this

Kylie alam na alam kung paano pakakalmahin si Jake: Kailangan mo lang siyang pakainin…

Ervin Santiago - January 26, 2022 - 10:06 AM

Julia Barretto, Gerald Anderson, Jake Cuenca at Kylie Verzosa

KNOWS n’yo ba kung ano ang ginagawa ng dating beauty queen at aktres na si Kylie Verzosa kapag wala sa mood o natetensiyon ang dyowa niyang si Jake Cuenca?

Isa si Jake sa mga naging special guest sa online benefit show ng ABS-CBN na “Isang Daan sa Pagtutulungan” na isang donation drive para sa mga nasalanta ng super typhoon Odette.

Isa nga sa mga naitanong sa award-winning actor nang sumabak na sa “truth or dare” challenge ay kung paano siya napapakalma ng isang babae kapag meron siyang problema o pinagdaraanan sa buhay.

Hindi niya sinagot ang question at sa halip ay tinawag niya ang kanyang girlfriend na si Kylie.

Ayon sa ating 2016 Miss International, marami siyang ginagawa para matanggal ang tensiyon sa katawan ni Jake.

At isa na nga rito ang pagluluto ng mga favorite food ng boyfriend, “Kailangan mo siyang pakainin. Bilhin mo ’yung food (na gusto niya) o lutuan mo ng favorite niyang pagkain.

“Kaunting effort lang. Maging sweet ka lang. Hug, ganyan. Okay na siya nu’n. Lambing lang ’yan,” sabi pa ng dalaga.

View this post on Instagram

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa)


Samantala, sinagot din ng Kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson ang nasabing tanong na naging bukas din sa pagkukuwento ng ilang kaganapan sa personal niyang buhay.

Sey ni Gerald, isa sa mga nagpapakalma sa kanya kapag wala sa mood o inaatake ng tension ay ang paghawak nang mahigpit sa kamay niya.

“Yung simpleng kukunin lang ’yung kamay mo ta’s hindi na kailangang magsalita o mag-usap, kukunin lang (yung kamay). 

“Then magpapalipas ka lang ng init ng ulo. Parang the more simple, the better para sa akin. Ganoon lang ’yung touch,” paliwanag pa ng boyfriend ni Julia Barretto.

Tahimik lang ngayon ang relasyon ng showbiz couple, wala rin silang masyadong ganap na ipino-post sa social media pagkatapos nilang mag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon.

Sa isang panayam, sinabi ni Gerald na si Julia na ang kanyang “the one,” pero wala pa silang balak magpakasal anytime soon. 

Tinanong kasi ang binata kung plano ba niyang pakasalan si Julia, “Gusto ko sagutin ‘yan talaga, and siguro alam ‘nyo po kung anong isasagot ko diyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero dahil siguro she’s still very young and ang dami pa niyang mai-offer sa industriya natin and ang dami pa niyang ipapakita sa inyo, sa audience natin, ‘yung talent niya, so ayaw ko maging hadlang du’n,” sabi pa ng hunk actor.

Kylie Versoza na-appreciate si Marco; worried nang hinabol ng mga pulis ang dyowa

Jake nabiktima rin ng pambu-bully sa school: Kaya sanay na ako sa mga basher

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending