Daniel ibinuking ang matinding crush noon ni Joshua sa isang young actress na mommy na ngayon | Bandera

Daniel ibinuking ang matinding crush noon ni Joshua sa isang young actress na mommy na ngayon

Ervin Santiago |January 25,2022
facebook
share this

Daniel ibinuking ang matinding crush noon ni Joshua sa isang young actress na mommy na ngayon

Ervin Santiago - January 25, 2022 - 02:21 PM

Daniel Padilla at Joshua Garcia

IBINUKING ng Kapamilya actor at singer na si Daniel Padilla ang kaibigang si Joshua Garcia na  nagkaroon ito ng matinding crush noon sa isang young actress na may anak na ngayon.

Ang tinutukoy ng boyfriend ni Kathryn Bernardo na aktres at isa nang certified mommy ay ang dating leading lady ni Joshua na si Janella Salvador.

Special guest sa “Truth or Dare” benefit show ng ABS-CBN sina Joshua at Daniel na nakipagkulitan nga sa dalawa pang Kapamilya stars na sina Zanjoe Marudo at Hyubs Azarcon.

Sa isang bahagi ng online charity show, natanong kung sino sa kanilang mga naging leading lady sa teleserye at pelikula ang nagka-“crush” sila nang malala.

Mabilis na sagot ni Zanjoe, “Jodi (Sta. Maria). Crush ko talaga ‘yun.” 

At bago pa nga makasagot si Joshua, humirit na agad si Daniel at siya na ang sumagot para sa kaibigan, “Sabihin ko ba? Si Janella.”

Napangiti muna si Joshua sabay tango at sinabing totoo ang sinabi ni DJ, “Tama. Imposibleng magkamali ‘tong mga ‘to.”

View this post on Instagram

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)


Kung matatandaan bumenta ang tambalang JoshNella nang magkatrabaho sina Joshua at Janella sa hit Kapamilya series na “The Killer Bride” na pinagbibidahan ni Maja Salvador.

Sa isang panayam, diretsahan ding inamin ni Janella na si Joshua ang itinuturing niyang best onscreen partner simula nang pumasok siya sa showbiz. 

Pahayag ng celebrity mom, “Masaya makatrabaho si Joshua. Kasi super professional and ang galing niya talaga. Ramdam mo siya sa bawat eksena.”

At nang tanungin kung paya ba siyang makatrabaho ulit si Joshua sa isang proyekto, “Open naman, of course!”

Very soon ay mapapanood uli sina Joshua at Janella sa inaabangang “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” ng ABS-CBN kung saan bibida bilang bagong Darna si Jane de Leon. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Janella ang gaganap na Valentina sa bagong TV version ng “Darna’ habang si Joshua naman ang magiging leading man ni Jane.

Joshua malaki ang utang na loob sa KathNiel: Sobrang swerte ko na naging kaibigan ko sila

Joshua Garcia, Charlie Dizon bagong John Lloyd-Bea ng ABS-CBN: Nakaka-pressure!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending