Tracy Perez nagpahinga sa socmed para makapag-recharge; naghahanda na uli para sa pagrampa sa Miss World pageant
Tracy Maureen Perez
MAKALIPAS ang mahigit isang buwang pag-iwas at pamamahinga sa social media, muling nagparamdam si Miss World Philippines 2021 Tracy Perez sa kanyang mga followers.
Talagang nagkaroon ng “socmed holiday” ang Pinay beauty queen para makapag-recharge bago magtungo sa Puerto Rico sa Marso para sa pagrampa niya sa 70th Miss World pageant.
Sa kanyang Instagram account, nagpasalamat si Tracy sa lahat ng kanyang mga tagasuporta sa patuloy na pagmamahal, tiwala at respeto.
Ibinahagi niya sa IG ang isa niyang litrato na may caption na, “Grateful for the time off — to be able to disconnect and appreciate the gift of serenity; to better understand myself, the people around me, and the ever-changing situations we are all in; and to recharge and to fight the silent battles with faith and hope for the future.”
View this post on Instagram
Pakiusap pa ng ating kandidata sa 2021 Miss World, “Let’s all work hard together to rebuild, recover, and triumph over anything that may come our way.”
Ginamit ni Tracy sa kanyang post ang hashtag na #forthesecond na tumutukoy nga sa paglaban niya sa Miss World na gaganapin nga sa March 16 sa Coliseum Jose Agrelot sa Puerto Rico.
Kapag nanalo kasi si Tracy, siya na ang magiging ikalawang Pinay Miss World. Si Megan Young ang kauna-unahang Filipina na nakapag-uwi ng Miss World crown sa Pilipinas noong 2013.
Matatandaang ilang beses na-postpone ang coronation night ng 70th Miss World dahil sa COVID-19 pandemic.
https://bandera.inquirer.net/300434/tracy-perez-pasok-na-sa-2021-miss-world-top-30-tinawag-na-queen-b-si-beatrice-gomez
https://bandera.inquirer.net/294812/miss-world-ph-2021-tracy-perez-sa-2-beses-na-pagbagsak-hindi-ko-alam-kung-matutuwa-ako-mahihiya-o-malulungkot
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.