Kris hiniwalayan ni Mel sa pamamagitan ng text, ginamit daw pati si P-Noy: Paano babalikan ang taong alam mong hindi ka minahal | Bandera

Kris hiniwalayan ni Mel sa pamamagitan ng text, ginamit daw pati si P-Noy: Paano babalikan ang taong alam mong hindi ka minahal

Reggee Bonoan |January 24,2022
facebook
share this

Kris hiniwalayan ni Mel sa pamamagitan ng text, ginamit daw pati si P-Noy: Paano babalikan ang taong alam mong hindi ka minahal

Reggee Bonoan - January 24, 2022 - 07:13 AM

Kris Aquino at Mel Sarmiento

FINALLY, naglabas na ng saloobin si Kris Aquino tungkol sa hiwalayan nila ng ex-fiancé na si dating Interior Secretary Mel Senen Sarmiento.

Hanggang ngayon kasi ay maraming nagtaka dahil pagkalipas lamang ng dalawang buwang matapos ihayag ang kanilang engagement ay bigla ring naghiwalay.

Matatandaang ipinost ni Kris ang mahabang mensahe sa kanya ni Ginoong Mel na tinanggap nito ang hamon niyang maghiwalay sila dahil hindi nito kayang hindi lumabas ng bahay at ayaw niyang masisi kapag nagka-COVID-19 ang fiancée niya bunga ng paglabas-labas niya.

Kaliwa’t kanan ang batikos na natikman ni Mr. Sarmiento mula sa netizens at supporters ni Kris dahil nga iniwan niya ang mama nina Joshua at Bimby sa kalagayan niyang iyon na dapat sana ay nasa tabi siya nito. Nasaan na raw ‘yung pangakong walang “iwanan” anuman ang mangyari.

Anyway, aksidenteng na-post ang family picture nina Kris, Josh, Bimb kasama ang kanilang mga staff at nandoon din si Mel kaya inakala ng lahat na nagkabalikan na.

Ito rin ang nasambit ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram post nitong Sabado na pinik-ap naman ng mainstream media.

Tsinek ulit namin nitong Linggo ng umaga ang larawan nina Kris kasama ang dati niyang fiancé pero wala na uli ito.

Ilang oras lang ang nakalipas ay sinagot ni Kris ang post ni Manay Lolit at sinabing hindi totoong nagkabalikan sila at dito rin niya nasabing ginamit siya ng dating public official.

Pahayag ni Kris, “No nay… hindi kami nagbalikan. I just felt PEACE in my – finally… kaya the past no longer felt like something I needed to erase.

“Iniwan n’ya ko Nay, when I was at my lowest and ginawa n’ya ‘yun via text matagal akong tahimik na nagdasal questioning if for both of us, was it ever really love or was it just grief, timing, and infatuation?

“I found MY answers because we finally got to talk over FaceTime audio a few nights ago… basing it on that final conversation it became clear to me what his true feelings for me had been and how little respect I had left for him let’s not involve my sons, because Mel failed to have the common decency to acknowledge that he hurt Bimb and never once checked on how my son was taking all of this.

“It spoke volumes to me nu’ng nalaman ko from my Ate (Ballsy Aquino-Cruz) that she had tried several times to message Mel trying to find a way to communicate with him & hopefully still create a bridge but he actually snubbed my Ate,” sabi ng TV host at aktres.

View this post on Instagram

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)


Parte pa ng kuwento ni Kris ay nagsinungaling umano sa kanya si ginoong Mel sa pagsasabing close sila ng kuya nitong si dating Pangulong Noynoy Aquino. Paano nga ba raw nitong nagawang gamitin ang taong wala na?  Nabuking lang dahil ikinuwento ito ng right hand ng kuya niya.

“And siguro ‘yung final straw for me was the fact kinaya n’yang mag imbento ng napakaraming kwento bilang ‘patunay’ na close talaga sila ni Noy, eh, may parang Alvin (Gagui-Chief of Staff) si Noy, pero kung si Alvin 17 years with me, this person was with my brother for 28 years and kasing detalyado ang calendar of the people, places, events na napuntahan & nakasama ni Noy as Alvin is with me- mas grabe pa ‘yung kanya because from Congress 1998 to the end of Noy’s term in 2016 kumpleto talaga yung listahan.

“Nay, by now kilala mo ko- FAMILY will always come first, kahit may mga tampuhan or misunderstandings, at the end FAMILY loyalty pa rin ang uunahin. I feel OA ‘yung ginawang panggagamit sa nananahimik ng patay.

“Kaya it was a relationship na ‘yung entire premise, what led to the closeness was my brother Noy- and because of what I had perceived to be their closeness (background lang: the 2 boys & I lived with Noy for the last 5 weeks before the May 2016 elections and Mel was a constant presence kasi maraming tinatapos na LGU issues).

“So paano magbabalikan sa taong hindi mo na pinagkakatiwalaan at ngayon alam mo nang hindi ka minahal at ginamit ka lamang? The End, Nay. Move on na…” paliwanag pa ni Kris.

Sa pagtatapat na ito ni Kris ay maraming nagpadala ng hugs at pagmamahal sa kanya at iisa ang pahayag na magpagaling siya para kina Josh at Bimb at lumaban siya sa lahat ng pinagdadaanan niya ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ni Ginoong Mel, agad naming ilalabas ang kanyang side sa ngalan ng balanseng pamamahayag.

Lolit apektado sa hiwalayang Kris Aquino-Mel Sarmiento: Deserving kang mahalin

Mel isinakripisyo ang kaligayahan kapalit ng buhay ni Kris; celebs nangakong ipagdarasal si Tetay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending