Ilang Kapuso stars matindi ang loyalty sa Bubble Gang: Napakaswerte namin, grabe! Bandera

Ilang Kapuso stars matindi ang loyalty sa Bubble Gang: Napakaswerte namin, grabe!

Ervin Santiago |January 24,2022
share this

Ilang Kapuso stars matindi ang loyalty sa Bubble Gang: Napakaswerte namin, grabe!

Ervin Santiago January 24, 2022 - 07:32 AM

Kokoy de Santos, Arra San Agustin at Mikoy Morales

IBINANDERA ng ilang “Bubble Gang” stars ang kani-kanilang hindi malilimutan mga karanasan sa ilang taong pamamayagpag sa ere ng longest-running gag show sa bansa.

Sa guesting nina Betong Sumaya, Arra San Agustin, Analyn Barro, Mikoy Morales at ng baguhang kababol na si Kokoy de Santos sa online Kapuso program na ArtisTambayan, nagkuwento ang ilan sa kanila ng ilang most memorable experience para na rin sa 25th anniversary celebration ng “Bubble Gang.”

Ayon kay Arra, anim na taon na siyang napapanood sa gag show at sana raw ay mas tumagal pa siya nang maraming taon sa programa na aniya’y first regular show din niya sa TV.

“Napakasuwerte, grabe! First show ko kasi ito Kuya Bets (Betong), pagkatapos na pagkatapos na mag-graduate sa StarStruck diretso Bubble Gang na ako. Ito talaga ‘yung first regular show ko at hanggang ngayon ‘di pa rin nila ako nile-let go.

“So, thank you so much sa Bubble Gang sa inyong pagmamahal at forever ako magiging loyal sa Bubble Gang,” sabi ng dalaga.

Sey naman ng sexy comedienne na si Analyn Barro, ang sarili niyang segment sa “Bubble Gang” na “What is the meaning of this?” ay isa sa mga “best things” na nangyari sa kanyang showbiz career.

“Grateful ako siyempre na part ako sa longest-running gag show. ‘Yung segment na ‘yan sobrang-sobrang happy ko sa segment na ‘yan, kasi siyempre nakakatuwa na ‘di ba may own segment doon sa show na ‘yun? So, parang super grateful talaga ako sa segment na ‘yan.

“Thankful ako sa Bubble Gang at kahit may ibang shows pa ako, lagi ko sinasabi na priority ko talaga Bubble, pero siyempre may mga serye pang dapat tapusin. Pero ‘yun nga priority ko pa rin talaga ang Bubble Gang,” chika pa ni Analyn na makakasama rin sa primetime series na “First Lady” nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.


Ayon naman kay Kokoy de Santos na unang nakilala sa Boys Love series at regular ding napapanood sa “Pepito Manaloto”, “Isang karangalan siyempre, gaya nga nu’ng sinabi n’yo tagal na nito. Wala pa nga ako may Bubble Gang na yata.”

Para naman kay Mikoy Morales, “Kinalakihang humor ko ‘yung Bubble Gang e, ‘tsaka kahit dito sa pamilya namin ‘yan ‘yung pinaka-bonding namin kapag Fridays talaga. Kahit hindi Fridays, ‘yung mga jokes ng tatay ko Bubble Gang lagi.”

Bitoy: Kilala n’yo naman si Paolo, strong talaga yun…madali siyang maka-recover

Mikoy na-intimidate sa unang salang sa Bubble Gang: Iba ang epekto sa akin ni Kuya Bitoy!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending