Direk Denise O’Hara nahirapan nga ba sa love scenes ng ‘The Wife’?
UNANG mainstream movie ni Direk Denise O’Hara ang “The Wife” na produced ng Viva Films na mapapanood sa Vivamax sa Pebrero 11 na kinabibilangan nina Diego Loyzaga, Cara Gonzales at Louise delos Reyes.
At unang beses din siyang makapag-direk ng may love scene kaya hiningan siya ng reaksyon kung kumusta ang experience bilang first timer.
“Challenge sa akin na parang coming into the project alam ko naman ‘yung papasukin ko, so, it’s something na ang first consideration ko talaga is you know, to create that space, to everyone feel comfortable doing it and nakaka-tense (napangiti) gumawa ng love scene pero it’s important to to respect din ‘yung space ng isa’t isa.
“And something na na-appreciate ko talaga with my cast and buong staff namin. Challenge pero hindi naman inurungan na challenge sinagupa namin at kung ano naman ‘yung kailangan ng kuwento ‘yun ang sinusunod ko, eh.
“So, in terms kung saan ako mag nag-focus, nag-focus ako doon sa pangangailangan ng kuwento whether i-focus ‘yung babae or ‘yung lalaki, naka-depende siya sa kuwento,” paliwanag mabuti ng lady direktor.
Madetalye ba si direk Denise sa love scenes na tipong sasabihin niya kung anon a ang gagawin ng bawa’t isa sa bawa’t eksenang kukunan.
“Hindi ako ganu’n, actualy bina-block ko kung how the love scenes will go, siyempre kailangang i-block ‘yun kasi susundan ng camera movement and everything pero it’s always ano, collaborative.
“And hinahangaan ko rin sila to do what they feel as well kasi ang hirap din pag masydong dinidikta parang masyadong automatic lumalabas sa scene, so as much as possible I want to capture ‘yung mas natural na mga emosyon. Iyon ‘yung sinusundan namin ng DOP (director of photography) kung ano ‘yung hinuhuli namin,”mahabang paliwanag ni direk Denis.
Naikumpara kasi ang lady director sa mga guys at gays director na sisiw na lang sa kanila ang gumawa ng love scenes dahil pag tunay na lalaki ay mas focus sa mga artistang babae at pag gay naman ay sa mga artistang lalaki.
Ano naman ang reaksyon ni Louise sa love scenes niya at paano magdirek ang isang babae kumpara sa lalaki o gay.
Tumawa muna ang aktres at sabay sensyas na isa lang ang love scene niya kay Diego bilang mag-asawa sila sa kuwento ng “The Wife”.
View this post on Instagram
“First time ko lang din actually na babae ‘yung magdi-direk sa ganu’n klaseng eksena and sensitive naman siya and marami kaming pag-uusap ni direk Denise before the shoot and ‘yung mga pag-uusap namin, alam mo ‘yung nakita ko ‘yung perspective?
“Kasi ngayon lang magkakaroon ng perspective ng babae sa isang lovescene kung ano ‘yung nagiging proseso sa amin emotionally and s script kasi kailangan at sensitive na eksena and with direk Denise sobrang naging comfortable ako at sa DOP namin, si Ms Lee na alam mo ‘yung very nanay na iingatan ka nila kaya sobrang na-appreciate ko sila ro’n at magandang lumabas (yung scene) at hindi ka magiging conscious (kasi) papaalisin nila ‘yung mga tao, mga hindi kailangan sa set and ire-rehearse n’yo sa camera para isang go lang na makukuha lahat.
“Sobrang sarap na experience and 3rd time ko palang talagang may lovescene kasi very picky din talaga ako sa mga ganu’n eksena, so ‘yun. Sobrang happy ako and thankful sap ag-aalaga,”paliwanag mabuti ni Louise.
At bilang leading man ay ano naman ang masasabi ni Diego sa love scene na babae ang nagdirek.
“It was okay nothing different from having a male director to a female director. Pretty much exactly the same and naramdaman ko nga na mas maalaga talaga si direk (Denise) and I’m kinda use to that,”saad ng aktor.
Sanay din naman daw siyang pawang mga babae ang nakakasama niya kaya walang kaso kung dominated ng babae ang The Wife mula sa direktor at DOP plus ang dalawang leading ladies niya.
At kapag may mga eksenang nakulangan si direk Denise ay sinasabihan sila na kailangang magdagdag sila ng scenes na okay naman para sa cast.
“I like that because she was very straightforward as a director and mga kasama ko was like walang ibang guy dito and they’re very open to their feelings about their thought about the movie and scenes, we’re all very open to one another and I think we succeded as a team,”sabi pa ni Diego.
Nagkatawanan ang lahat sa tanong kung nagagalit at nagmumura si direk Denise sa set kapag hindi makuha ang eksena.
“si direk Denise? NO! maybe in her mind but not vocal to us. No, she’s a sweetheart, she’s really sweet,” nakangiting sabi ng aktor na sinang-ayunan din ni Louise.
At ang thirdwheel na si Cara ay ano naman ang komento niya sa experience niya kay direk Denise sa mga love scenes nila ni Diego.
“Nagustuhan ko si direk Denise kung paano siya magdirek kasi sobrang kampante ka laging hindi ka magkakamali, laging magagawan ng paraan kung baga may mailalabas pa pala.
“Sabi nga nila very nanay sina direk Denise at Ms Lee. Pagdating nga sa sex scenes sa kakatulong ko sa kanila na parang nanay ko sila ako ‘yung nahihiyang maghubad sa set. Kasi naturing ko silang nanay, so, parang nakakahiyang makipaghalikan, ha, haha,” sambit ni Cara.
Related Chika:
Matteo, Gardo, Louise, Maui bibida sa remake ng ‘Kagat Ng Dilim’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.