UMAANI raw ng batikos ang Kapamilya stars na sina Ivana Alawi at Joshua Garcia mula sa mga supporters ni Julia Barretto.
Ito ay nagsimula nang mag-trending ang dalawa matapos ang “Jojowain o Totropahin” challenge ni Joshua Garcia sa nagdaang benefit concert ng ABS-CBN para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
Tinanong kasi si Joshua kung dyodyowain o totropahin ba niya si Ivana at inaming dyodyowain nga ang dalaga kung may chance.
“Choosy ka pa ba? I mean mabait, ‘di ba? Maganda, sexy, lahat na. Magiging choosy ka pa ba doon?” saad ni Joshua.
Tinawagan rin ng aktor ang dalaga para i-prank pero hindi niya kinaya at inamin rin niya agad na naka-live sila at marami ang nanonood sa kanila.
Sa huli ay napilit rin ng mga hosts na sina Darla Sauler at Alora Sasam na tanungin ni Joshua si Ivana kung dyodyowain ba siya nito o totropahin.
“Secret,” sagot ng aktres.
Kahit walang kasiguraduhan ay marami pa rin ang kinilig sa dalawa.
Matatandaang noong Agosto 2021, ikalawang anibersaryo ng vlogging ni Ivana ay sinorpresa siya ng kanyang pamilya ng video greetings mula sa kanyang mga kaibigan.
Ngunit hindi inaasahan ni Ivana na maging si Joshua ay babati rin sa kanya.
Panlalaglag ng kapatid niyang si Mona, crush na crush daw ng kanyang ate si Joshua.
At dito na nga nagsimulang intrigahin ang dalawa lalo na at parehas naman silang single.
Ayon kay ‘Nay Cristy Fermin sa kanyang show na “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika, marami raw sa mga fans ni Julia Barretto ang nangba-bash kay Ivana.
Sey ng mga ito, hindi raw magka-level sina Ivana at ang kanilang iniidolo.
“Talagang malayo,” saad ni ‘Nay Cristy.
Aniya, sa hubog pa lang daw ng katawan ay lamang na agad si Ivana.
Dagdag pa nila, kahit sa aspeto ng pagmamahal sa pamilya at sa kapwa ay malayong malayo na talaga si Ivana at Julia.
Aware naman ang lahat na may hindi pagkakaintindihan sa pagitan ni Julia at ng kanyang amang si Dennis Padilla samantalang si Ivana naman ay malapit sa ama kahit na naghiwalay ang kanilang mga magulang.
Ikinuwento pa nina ‘Nay Cristy ang mga ginawang pagtulong ni Ivana sa mga nangangailangan na mapapanood sa kanyang mga vlogs.
“Tapos ngayon sasabihin n’yo na hindi bagay sina Joshua at Ivana, na malayo siya kay Julia. Ay! Talagang malayo. Kayo ang magsukat! Sukatin n’yo ng kung ano mang gusto n’yong panukat, kayong bahala. Malayo talaga. Sobra.
“At saka kahit pa malayo, kung type naman ni Joshua, anong magagawa natin?” sey naman ni ‘Nay Cristy.
Hirit naman ni Romel, “‘Yung mga fans ni Julia, dapat hindi na sila nagkukumpara kasi pagmumulan lang ito na babalik sa kanila lahat ng mga sinasabi nila. Kakainin nila ‘yung mga panget na sasabihin nila tungkol kay Ivana.
Sa ngayon ay nananatiling magkaibigan sina Ivana at Joshua pero malay natin? Malaki ang chance na magkaroon ng “something” ang dalawa lalo na’t mukhang attracted naman sila sa isa’t isa.
Related Chika:
Joshua ‘dyodyowain’ si Ivana: Choosy ka pa ba? Mabait, maganda, sexy, lahat na!
Ivana aminadong nakakausap si Joshua: Alam ko nasa taping siya…