Gretchen, Claudine maayos ang relasyon: You are the most beautiful to me, my love!

Gretchen, Claudine maayos ang relasyon: You are the most beautiful to me, my love!

IBINANDERA ni Gretchen Barretto ang kanyang pagmamahal sa bunsong kapatid na si Claudine Barretto.

Sa Instagram video ni La Greta kung saan nagpapasalamat siya sa mga frontliners ng San Lazaro Hospital ay nag-comment si Claudine.

“Sooo beautiful my Ate (two heart emoji,” saad niya.

Sumagot naman si Gretchen at sinabing, “@claubarretto my baby girl, you are the most beautiful to me my love!

“Miss your pretty face and bratty ways,” dagdag pa niya.

Marami naman ang naantig sa pagiging sweet ng magkapatid sa isa’t isa.

“So sweet ate. Clau deserves to be loved because she is a good and generous person like her Ate Gretchen,” saad ng isang netizen.

“Life is really short and we have to be appreciative more sa loved ones natin. Nandun ulit yung takot about what ifs but I think they’re more than that and everyone deserves peace and love of course,” comment ng isang netizen.

“Aww! Love this! I thought po hindi kayo magkasundo ulit,” sey naman ng isa pa.

Marami nga ang tila nag-iisip kung okay nga ba ang relasyon ngayon ng magkapatid matapos mag-trending ang spluk ni Ogie Diaz ukol sa hindi natuloy na monthly sustento ni Gretchen kay Claudine.

Naisulat na rin namin ito sa Bandera at paglilinaw nga ni Ogie sa kanyang vlog kung saan naging topic nila si Claudine na maayos ang relasyon ng dalawa kahit na hindi natuloy ang pagbibigay ni Greta ng P500 thousand monthly sa kapatid.

Bagamat alam ni Ogie ang dahilan kung bakit ito napurnada ay nananatili a lang tikom ang kanyang bibig ukol dito.

Hindi rin totoo ang chika na nagkaroon sina Gretchen at Claudine ng di pagkakaunawaan kaya nakita ang huli na kasama ang isa pa nilang kapatid na si Marjorie noong New Year.

For sure naman ay pwede namang magkaayos sina Claudine at Marjorie nang hindi iniuugnay kay Greta dahil after all, magkakapatid pa rin naman sila.

Sa ngayon, malinaw na na walang away na namamagitan kina Gretchen at Claudine at okay na okay ang kanilang relasyon sa isa’t isa.

Related Chika:
P500k sustento kay Claudine napurnada, ani Ogie: Hindi nasunod ‘yung gustong mangyari ni Gretchen
Lolit puring-puri si Gretchen: Wow, big brave heart talaga!

 

Read more...