Gretchen Barretto may 'sikreto' kaya hindi nagkaka-COVID Bandera

Gretchen Barretto may ‘sikreto’ kaya hindi nagkaka-COVID

Alex Brosas |January 21,2022
share this

Gretchen Barretto may ‘sikreto’ kaya hindi nagkaka-COVID

Alex Brosas January 21, 2022 - 03:20 PM
Gretchen Barretto may 'sekreto' kaya hindi nagkaka-COVID; 'Viral Scandal' hinirang na Best TV Series

Gretchen Barretto

SALAMAT sa gin at tequila. Tila iyan ang sinasabi ni Gretchen Barretto na dahilan kung bakit hindi siya nagkaka-COVID.

Sa isa sa kanyang Instagram video, La Greta shared her secret kung bakit until now ay hindi pa siya dinadapuan ng nasabing virus.

“I don’t know if this is a miracle but some people tell me that hindi daw ako nakakapitan ng virus because I drink gin or tequila,” say ni Gretchen sa video.

“I’m not promoting alcohol but I am just saying drink moderately and I still do that in spite of my allergy I still take a shot or 2 of alcohol every 30 minutes, kidding every hour. So far, that’s it, I survived it, I mean I haven’t gone through it,” say pa ni Gretchen sa IG video niya.

Ipinakita rin ni La Greta ang isang machine called Covid Zapper na ibinigay ng isang kaibigan. Ginagamit niya ito dahil nakakasalamuha pa rin siya ng ibang tao dahil sa kanyang work.

Anyway, marami ang humahanga sa generosity ni Gretchen dahil tuloy pa rin ito sa pamimigay ng ayuda sa mga taga-showbiz at maging hindi taga-showbiz.

 

* * *
Inilahad na ni Kyle (Joshua Garcia) ang kanyang sariling pinagdadaanan kay Rica (Charlie Dizon) para maintindihan ng dalaga na parehas sila ng pinagdadaan sa “Viral Scandal.”

Hinarap ni Rica ang kanyang boss matapos nitong sabihin na ito ang pupunta sa meeting nila sa city council na pinamumunuan ni Jigs (Markus Patterson). Tingin ni Rica na hindi siya nito pinagkakatiwalaan na makayang harapin ang nanggahasa sa kanya.

Ikinuwento tuloy ni Kyle na alam niya ang pinagdadaanan ng babae dahil nakita niyang tumalon ang ama sa building kung saan muntik din siyang magpakamatay. Para kay Kyle, mas mabuting kumunsulta si Rica sa isang doktor para maibsan ang kanyang trauma.

Samantala, naghihinala na sina Kakay (Dimples Romana) at Atty. Dizon (Ria Atayde) kung sino si Ella (Aya Fernandez) sa buhay nina Jigs at Archie (Vance Larena) at kung bakit bigla itong nawala sa kanilang barkada.

Malaman na kaya nila kung anong ginawa ni Ella kay Jigs? Pumayag naman na kaya si Rica na pumunta na sa doctor at magpa-therapy?

Bukod naman sa pagiging most watched show sa iWantTFC at WeTV iflix kinIlala din na Best TV Series ang “Viral Scandal” sa 6th Gems Awards. Nakuha rin ni Dimples ang Best Performance in a Supporting Role sa parehas na award giving body.

Subaybayan ang “Viral Scandal” gabi-gabi ng 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

 

Related Chika:
Lolit puring-puri si Gretchen: Wow, big brave heart talaga!

Read more: #ixzz7IaSUMBhL
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending