KD Estrada sa estado nila ni Anji Salvacion: We're good Bandera

KD Estrada sa estado nila ni Anji Salvacion: We’re good

Therese Arceo |January 21,2022
share this

KD Estrada sa estado nila ni Anji Salvacion: We’re good

Therese Arceo January 21, 2022 - 09:59 AM

KD Estrada sa estado nila ni Anji Salvacion: We're good

NILINAW ng dating “Pinoy Big Brother” celebroty housemate na si KD Estrada ang estado nila ng kapwa celebrity housemate na si Anji Salvacion.

Kuwento ng binata sa interview sa kanya ni Miguel Dumaual, in good terms naman ang relasyon nila ng dalaga ngayong pare-parehas na silang nasa outside world.

“At this point, we’re good. Me and Anji are okay. There was an issue din about a few days ago, sa Kapamilya live chat, it was about me. But I just wanna say na, to everyone listening out there, me and Anji are good, we’re civil naman,” saad ni KD.

Dagdag pa niya, “Hopefully, there’s no more bashing against each other, no more fan wars.”

Matatandaang sa nakalipas na interview naman ni Anji ay natanong rin siya patungkol sa kanila ni KD.

Amin ng dalaga, akala daw niya ay okay sila

“Me and KD, the last time that we get to talked to was noong nag-reunion kami sa ASAP and to be honest rin po, hindi pa kami nagkakausap ng masinsinan.

“It’s really like sad rin kasi during that time rin noong kinogratulate niya ako and he said sorry to me into which I knew nothing about what’s happening here pala sa outside world and sobra akong naguluhan. I was expecting him to reach out to me, to tell me, to enlighten me on what’s happening right now but he never did.

“I’m quite sad because I thought na okay kami pero pagkalabas na pagkalabas ko, ewan ko, I don’t know, naguguluhan rin ako sa mga nangyayari and it’s just very sad lang to think na I thought everything was okay inside the house… pero paglabas ko ni message wala,” saad ni Anji.

Bago pa man magkasama ang dalawa sa sa loob ng Bahay ni Kuya ay magkakilala na ang dalawa at nagkakasama na sa trabaho noong nasa outside world pa sila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kayds (@kdestrada_)

Bukod pa rito ay tila “may pagkakaintindihan” na rin sa pagitan nina Anji at KD bago pa man sila maging celebrity housemates ngunit hindi ito nag-level up dahil na rin sa naging kondisyon ni KD.

Pero sana ay matapos na ang bangayan ng mga fans ngayon ngang nilinaw na ni KD ang katotohanan hinggil sa isyu sa pagitan nila ni Anji ay matapos na rin ang awayan ng mga fandoms.

Sa ngayon ay abala si KD sa mga projects na gagawin niya bilang Kapamilya singer at actor.

Hindi naman kataka-taka na malaki ang naging epekto ng pagiging housemate ni KD sa kanyang showbiz career dahil talagang mas nakilala ng madlang pipol ang kanyang pagkatao at talagang umani ang binata ng napakaraming suporta mula sa madlang pipol.

Bukod pa rito ay talagang talented naman ang binata at deserving sa lahat ng blessings at pagmamahal na natatanggap niya mula sa kanyang mga tagahanga.

Related Chika:
Alexa Ilacad sinagot ang tanong tungkol kay Anji Salvacion: Bakit naman kami hindi magiging okay?!
Alexa Ilacad, KD Estrada ‘destiny’ ang isa’t isa: We had this really, really strong connection!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending