Pia, bunsong anak nagpositibo sa COVID-19 isang araw matapos gumaling ang asawa't panganay Bandera

Pia, bunsong anak nagpositibo sa COVID-19 isang araw matapos gumaling ang asawa’t panganay

Ervin Santiago |January 20,2022
share this

Pia, bunsong anak nagpositibo sa COVID-19 isang araw matapos gumaling ang asawa’t panganay

Ervin Santiago January 20, 2022 - 07:22 PM

Pia Guanio, Steve Mago, Scarlet at Brooklyn Mago

MATAPOS gumaling ang asawa’t panganay na anak mula sa COVID-19, sumunod namang nahawa ng virus si Pia Guanio at ang bunso niyang anak. 

Ibinalita ng TV host sa pamamagitan ng kanyang social media account na hindi rin sila nakaligtas ng anak na si Brooklyn sa bagsik ng novel coronavirus.

Ipinost ni Pia sa Instagram ang litrato nila niya kasama ang pamilya at inaming sila naman ng kanyang apat na taong gulang na anak ang na-diagnose ng COVID-19.

Ito’y makalipas lamang ang isang araw nang gumaling ang asawang si Steve Mago at ang eldest child nilang si Scarlet. 

“Together in sickness and in health. A day after @steevemago and @iamscarletmago got cleared for Covid, my youngest and I tested positive.

“But praise God that we are having it easy! And we got the best nurses who already know what to do to care for us,” ang caption ng TV host sa kanyang IG post.


Kung matatandaan, nito lamang nagdaang Jan. 12 nang ibahagi ni Pia sa kanyang socmed followers ang tungkol sa pinagdaraanan ng kanilang pamilya dulot ng COVID-19.

“My husband @steevemago and daughter @iamscarletmago are both isolating after testing positive for COVID-19.

“Because of God’s grace and great love both of them are experiencing very mild symptoms and are in good spirits. 

“Thank you LORD! We miss them badly but we are grateful they are healing and recovering well,” ang pahayag pa ng TV host.

Isa lamang si Pia sa dumaraming local celebrities na tinatamaan ng COVID-19 sa gitna ng muling pagtaas ng bilang ng mga taong nahahawa sa virus.

Ilan nga sa mga ito ay sina Danica Sotto, Troy Montero, Aubrey Miles, Bianca Gonzalez, Chynna Ortaleza, Kean Cipriano, Sitti Navaro, Morissette Amon at marami pang iba.

Ogie Diaz nawalan ng milyones dahil sa naarestong asawa ni Terrence Romeo: Nagtiwala ako, e!

Jane, RK nag-positive rin sa COVID; sabay nag-quarantine, magkasamang nagpagaling

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending