Angeli Khang naranasan nang 'manilip' noong bata pa; ayaw patulan ang pang-iintriga sa kanila ni AJ Raval | Bandera

Angeli Khang naranasan nang ‘manilip’ noong bata pa; ayaw patulan ang pang-iintriga sa kanila ni AJ Raval

Reggee Bonoan |January 20,2022
facebook
share this

Angeli Khang naranasan nang ‘manilip’ noong bata pa; ayaw patulan ang pang-iintriga sa kanila ni AJ Raval

Reggee Bonoan - January 20, 2022 - 02:31 PM

AJ Raval at Angeli Kang

INAMIN ng bida ng pelikulang “Silip sa Apoy” na si Angeli Khang na nasubukan na niyang “manilip” noong bata pa siya — ito’y kapag inaaway ng tatay niya ang kanyang nanay sa tuwing uuwi ito.

Sa ginanap na virtual mediacon ng “Silip sa Apoy” kahapon ay natanong ang cast members kung nasubukan na nilang masilipan at manilip.

“When I was young, ‘yung dad ko very strict whenever he comes home sa ibang bansa iinom siya kaagad and he will take his anger on my mom and my brother kasi bata pa ako saka ako ‘yung pinaka-favorite ng dad ko kaya hindi ko na-experience,” pahayag ni Angeli

“Everytime na sumisilip ako sa ilalim ng door nakikita ko ‘yung foot steps, takbuhan, sigawan,” kuwento ng sexy star.

At kapag nahuli naman daw niyang sinisilipan siya ay tinitingnan niya nang masama para mapahiya,  dapat daw ipaalam sa mga naninilip na hindi maganda ang ginagawa nila.

Kilala na si Angeli Khang dahil noong 2021 ay nakatatlong pelikula siya mula sa Viva Films na napapanood ngayon sa Vivamax tulad ng “Eva,” “Mahjong Nights” at “Taya.” At sa pagpasok palang ng 2022 ay heto’t may “Silip sa Apoy”  kaagad siya mula sa direksyon ni Macarthur Alejandre na streaming na sa Jan. 28.

Bilang Vivamax K-crush member ay natanong kung ano ang nabago sa kanya ngayon, “May mga tao na nakikilala na ako, minsan kahit nag-grocery lang ako or naglalakad lang.

“At first, talagang kinakabahan ako, nagugulat ako every time. Parang in shock pa rin ako kapag nakikilala ako ng mga tao,” kuwento ng dalaga.

Aminadong hindi pa siya sanay makaranas ng atensyon mula sa tao at takot siyang ma-bash kapag hindi siya nagustuhan o may nagawa siyang hindi tama.

“Hindi ko alam kung magha-hi ako or hindi. Pag nagsalita ako, hindi naman ako kinakausap. Or kapag hindi naman ako nagsalita, sasabihan akong snob,” sambit ni Angeli.

View this post on Instagram

A post shared by Angeli Khang (@angelikhang_)


Samantala, ikinukumpara rin siya ngayon kay AJ Raval, ang bumida sa “Taya” kung saan support lamang ang dalaga pero ang “Mahjong Nights” naman ni Angeli ang may highest views at topgrosser sa Vivamax.

Hindi kinagat ni Angelia ng pagkukumpara sa kanila ni AJ dahil magkakaiba ang talent nila, “Ang sad na makita na kino-compare ka sa iba’t ibang artists dahil each and every one of us, we know that we have something to give and we became an artist dahil sa alam naming talent na maibibigay namin sa mga tao,” katwiran nito at ipinagdiinan ding kaibigan niya si AJ.

Anyway, nakakatulong na si Angeli sa mga gastusin nila sa bahay at siya ang nagbabayad ng mga utang nila kaya nagpapasalamat siya sa Viva Films sa oportunidad na ibinibigay sa kanya at sa mga direktor na nakaka-work niya dahil pinagkakatiwalaan siya at tinuturuan siya sa mga dapat niyang gawin, same rin sa mga nakatrabaho na rin niya sa past movies niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dito sa “Silip sa Apoy” ay kasama niya si Sid Lucero as her leading man, with Paolo Gumabao and Jela Cuenca.

Angeli Khang may hamon kay Xian Gaza: Hindi ako marites pero…

AJ Raval, Angeli Khang, Jela Cuenca palaban sa hubaran; magpapainit bilang ‘VMX Crush’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending