KRIS may bagong lalaking ilalagay sa kahihiyan | Bandera

KRIS may bagong lalaking ilalagay sa kahihiyan

Jobert Sucaldito - September 16, 2013 - 03:00 AM

SOBRA-SOBRA na talaga kung paikutin ni Donya Kris Aquino ang mga kababayan natin through the weekly pronouncements niya sa media.

Talagang walang kapaguran sa mileage ang presidential sister ninyo – basta may masabi lang at may maisulat lang ang drumbeaters niya, gow!

Dati sabi niya hindi siya magtu-talkshow pag nakaupo na ang kapatid niyang si Noynoy as president, 2016 na lang daw siya babalik sa TV. Hindi niya ito sinunod – bagkus ay lalo pang dumami ang TV assignments niya.

Siyempre, kapatid ng pangulo ng bansa iyan kaya she calls the shots. Early this year ay nag-anunsiyo siyang magri-resign na sa showbiz pero hindi rin niya tinupad.

Sabi dati ng Dos ay kailangang tapusin muna niya ang nakabinbing kontrata niya kasi nga meron siyang commitment with her sponsors and all.

Ang huling hinihintay lang that time ay ang pagiging judge niya sa Pilipinas Got Talent, pero nasaan na? Balita ko she will be starting a new teleserye na naman or what?

Bakit hindi tinupad ni Kris ang pangako niyang magri-resign daw siya? Lip service lang ba iyon? Not because we want her out of the business but simply because she announced it and in fact, with that she hit the headlines ng lahat ng newspapers and TV news programs.

Sana hindi na lang siya nagsasalita ng ganoon dahil hindi naman pala niya susundin. Para lang niyang pinaglalaruan ang taumbayan.

Regarding her lovelife naman, aniya ay hindi na siya magbu-boyfriend dahil happy na raw siya sa pagpapalaki ng dalawa niyang anak. Ginamit pa nga niya ang Diyos sa kaechosan niyang ito, remember?

Na kung iyon ang gusto ng Diyos, ang hindi na siya mag-boyfriend for life basta ba okay ang mga anak niya ay payag siya. Pero ano na naman itong drama ni Kris na kesyo meron daw nagpapaganda ng gising niya lately?

Meron daw itong ka-text na nagpapa-glow na naman ng mata niya. Nakakaloka na naman ito! Sino na naman kayang lalaki ang malalagay sa kahihiyan one day?

Kawawang lalaki ito, baka akala niya ay masayang maging dyowa ng isang Kris Aquino dahil biglang-sikat ka – pero ang kapalit nito in the end ay puro kanegahan. Naku, kung sinuman yung lalaking iyon, malaking GOOD LUCK!

Kaya kami, tuwing may bagong sasabihin si Kris Aquino – nagtitinginan muna kami ng mga friends ko at magtatawanan. Kasi nga, parang wala na siyang tinupad sa mga pinangako niya sa sarili niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Parang pinaglalaruan na niya tayong lahat – mabuti na lang kami, hindi na kami pumapatol sa kaeklayan ng babaeng ito. Ayaw ng mga fans!!!!!!

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending