Heart 'pinagalitan' ni Chiz: Bakit ang dami mo na namang bag? Bandera

Heart ‘pinagalitan’ ni Chiz: Bakit ang dami mo na namang bag?

Therese Arceo |January 18,2022
share this

Heart ‘pinagalitan’ ni Chiz: Bakit ang dami mo na namang bag?

Therese Arceo January 18, 2022 - 08:17 PM

Heart 'pinagalitan' ni Chiz: Bakit ang dami mo na namang bag?

ALIW na aliw ang mga netizens sa Instagram reels na in-upload ng actress-vlogger na si Heart Evangelista.

Sa nasabing reels ay makikita ang aktres na nagbabahagi ng kanyang OOTD o “Outfit Of The Day” nang biglang pumasok ang asawa niyang si Chiz Escudero na nahagip sa kamera.

Habang nagsyu-shoot ay tila may kinuha ang asawa at tinanong kung nagawa na ba ang ilaw sa kanyang walk-in closet na sinagot naman ni Heart.

Pero tila napansin naman ni Chiz ang koleksyon ng bag ng kanyang asawa.

“Bakit ang dami na naman ng bag mo?” tanong ni Chiz.

Tila batang nahuli naman ng magulang ang itsura ni Heart at todo tanggol sa sarili.

Aniya, inayos lang daw niya ang mga bags niya kaya nagmukha itong marami.

“Darling, tigil-tigilan mo yan. Aalis ka. Bawas-bawas. Makakabili ka lang kapag nagbenta ka,” paalala naman ni Chiz.

Halata naman sa mukha ng aktres na tila nag-panic siya sa pagpasok ni Chiz at todo explain pa rin sa asawa.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

 

“I’m gonna sell. I’ll get rid of the normies and I’ll upgrade…” pagpapaliwanag ni Heart sabay make face sa asawa.

“Hmm,” pagkontra naman ni Chiz.

Pagbabahagi ni Heart sa video, makakabili lamang siya ng bagong bag kapag nagbenta siya ng lumang bag na hindi na nagbibigay ng spark sa kanya.

Marami naman ang nag-react sa kanyang IG reels gaya nina Alex Gonzaga, BJ Pascual, Jolina Magdangal, at Megan Young.

Tila relate si Megan Young sa pag-uusap nina Chiz at Heart base sa comment niya.

“Omg!!! That conversation at the end is exactly what Mikael Daez tells me about my keyboards and I make the exact same face you do. I felt the level of panic,”sey ni Megan.

Ready naman si BJ Pascual na bilhin ang ibebentang bag ni Heart base sa comment nitong “pa mine sa ibebentang bag”.

Sa huli ay itinuloy ni Heart ang kanyang OOTD at nagpaalam na sa video nang matapos.

So alam n’yo na. Abang-abang sa ibebenta ni Heart dahil mukhang may bibilhin siyang bago para sa kanyang bag collection.

 

Related Chika:
Heart muntik nang hiwalayan noon si Chiz: Feeling ko kasi isa akong sumpa!
Heart talagang naghanap ng lalaking mas matanda sa kanya; Chiz may tips para makaiwas sa toxic na kapamilya

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending