Moira nasaksihan ang hirap ng mga biktima ni Odette sa Palawan, muling nanghingi ng tulong sa madlang pipol
Jason Hernandez at Moira dela Torre
PERSONAL na nasaksihan ng Kapamilya singer-songwriter na si Moira dela Torre ang makadurog-pusong kalagayan ng mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Odette sa isang lugar sa Palawan.
Kuwento ni Moira, mahigit isang milyong pamilya ang nawalan ng tahanan at kabuhayan sa Palawan, kabilang na ang Roxas na binisita nga nila kamakailan.
Kuwento ng award-winning singer at composer, nakita nila ng kanyang asawang si Jason Marvin Hernandez ang nakakaawang kalagayan ng mga kababayan natin sa nasabing probinsya.
Kaya naman muli siyang nanawagan sa madlang pipol, lalo na sa mga may kakayahang mag-share, na magpaabot ng tulong para sa mga mabiktima ng super typhoon Odette para kahit paano’y matugunan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan.
Sa “By Request: A Benefit Concert” nitong nagdaang Sabado, Jan. 15, si Moira ang naging featured artist. Ang proceeds ng nasabing concert ay mapupunta lahat sa Typhoon Odette victims.
Kinanta ni Moira sa nasabing digital/online show ang mga hit songs niyang “Tagpuan” at “Paubaya.” Pinagbigyan din niya ang mga nag-request sa kanya ng mga kantang “I Won’t Last a Day Without You,” “You’re Still the One,” at “Fly Me to the Moon.”
Kuwento ni Moira sa kalagitnaan ng concert, “Jason and I personally were able to see, including I Belong to the Zoo, a few days ago ‘yung nasalanta sa Roxas, Palawan.
“Nakita po namin sobrang daming bahay na walang bubong. Sobrang dami pong pamilya na nakatira sa may gym,” aniya pa.
View this post on Instagram
Base sa pagtatanong nila, napakarami raw talagang pamilya sa Palawan ang nawasak ang bahay at nawalan ng trabaho dahil sa pananalasa ng bagyo roon.
“As we speak more than 1.4 million families are left with almost nothing so if you have anything in your heart, any amount will really, really go such a really long way,” pahayag ng Kapamilya singer.
Ang “By Request: A Benefit Concert” ay ang 10-day virtual event para makalikom ng pondo at ibahagi sa mga biktima ni Odette. Nagsimula ito noong Jan. 9.
Bukod kay Moira, nakapag-perform na rin sa nasabing benefit concert sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Darren Espanto.
https://bandera.inquirer.net/280297/moira-nakitira-sa-condo-ni-sam-nang-tamaan-ng-matinding-depression
https://bandera.inquirer.net/281592/paggawa-ng-kanta-ni-moira-apektado-ng-pcos-it-gave-me-so-much-anxiety
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.